• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tradisyunal na pag- oobserba ng darating na Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID – Malakanyang

HINILING ng Malakanyang sa mamamayang filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.

 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.

 

Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito lalo pa’t sinisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.

 

Kaya ang hiling ni Sec. Roque sa publiko ay huwag na lang munang lumabas bilang pakikiisa na din sa nakagawiang paggunita ng Holy week na siya naman aniya talagang paraan ng pag- oobserba ng nabanggit na okasyon.

 

“So without forcing anyone to stay indoors, we are requesting everyone na ang traditionally naman talaga, noong mga unang panahon, talagang walang lumabas kapag panahon ng kuwaresma. So sana ngayon na lang po ang gawin natin ng mapababa natin ang numero,” aniya pa rin.

 

Samantala, inaasahan naman ng Malakanyang na 25 percent ang matatapyas sa daily recorded COVID cases ngayong ipinatutupad ang mas mahigpit na hakbang sa mga nagsisipag- labasan at makakatulong aniya ang ilang araw na kuwaresma KUNG i-oobserba lang ang nakaugaliang pag- aalaala dito.

 

“Well, ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards. Pero this is a minimum goal po. We are aiming for more at we are hoping na dahil Holy Week nga po at wala na pong lalabas ngayon ng Metro Manila eh lahat na lang po ay manatili sa ating mga tahanan,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Bawat Filipino may pagkakautang daw na P106,000 dahil sa P11.6-T na utang ng gobyerno

    Tinukoy ngayon ng economic think tank na IBON Foundation Inc. na bawat isang Pinoy ay may utang na P106,000 ito ay dahil naman sa paglobo pa ng pagkakautang ng gobynero a umaabot na sa record-high na P11.642 trillion.     ayon kay IBON Foundation executive director Jose Enrique “Sonny” Africa kung ang naturang halaga na […]

  • Christian Bale Reveals Surprising Influences For His Villain, Gorr In ‘Thor: Love & Thunder’

    CHRISTIAN Bale reveals the surprising influences behind his villain, Gorr the God Butcher, in Thor: Love and Thunder.     After first being introduced in 2011’s Thor, Chris Hemsworth’s titular God of Thunder would go on to star in two additional solo films as well as a number of Avengers team-up movies. Thor: Love and […]

  • 2 bagets huli sa aktong sumisinghot ng shabu

    Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa droga, kabilang ang 17-anyos na binatilyo matapos mahuli sa akto ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu sa Navotas City.   Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Joel Dela Cruz, 18 ng Brgy. Tañong, Malabon city […]