• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tradisyunal na Traslacion babalik na sa Enero

PINAGHAHANDAAN  ng organizers ng traditional na parada ng Itim na Nazareno sa taunang Traslacion.

 

 

Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr na plano nilang lagyan ng glass case ang mahigit na 400-taon na imahe ng itim na Nazareno.

 

 

Sa darating kasi na Enero 9 ay siyang pagbabalik ng nasabing tradisyon matapos na ipagpaliban ang parada ng mahigit tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Nais nilang protektahan ang imahe ng Itim na Nazareno kaya lalagyan nila ng glass case subalit ang ilalabas lamang nila ng bahagya ang krus na siyang maaari lamang na hawakan ng mga deboto.

 

 

Layon din ng nasabing paglalagay ng glass case ay para maiwasan ang anumang aksidente sa mga deboto na pilit na umaakyat.

 

 

Bago ang prosesyon ng Itim na Nazareno ay ibabalik na rin ang “Paghalik” sa Quirino Grandstand mula Enero 6 hanggang Enero 9 matapos ang misa ng ala-6 ng gabi.

Other News
  • IRR sa SIM Registration, inilabas na ng NTC

    INILABAS na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang implemen­ting rules and regulations (IRR) para sa SIM Card Registration Act, na may kaakibat na mabigat na parusa para sa mga telephone companies (telcos) at subscribers na mabibigong tumalima sa batas.     Alinsunod sa IRR ng NTC, ang mga telco subscribers na tatanggi o mabibigong magrehistro […]

  • Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12

    NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.     Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at […]

  • Umaasa na bahagi pa rin ng administrasyon: PBBM, may ibang plano kay Tulfo

    UMAASA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na mananatiling bahagi ng kanyang administrasyon si dating  Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.  Tinanong si Pangulong Marcos kung ikukunsidera niya si Tulfo sa presidential adviser’s post. “No, we have other plans for him, not as a presidential adviser,” ayon kay Pangulong Marcos. At nang tanungin kung mananatili pa rin […]