• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trafficking ng mga Pinay para gawing surrogate, pinaiimbestigahan

DALA na rin sa nakakaalarmang ulat ukol sa mga Pilipina na iligal na nire-recruit at pinadadala sa ibang bansa para magsilbing surrogate mothers, pinaiimbestigahan ni OFW Party List Rep. Marissa Magsino ang naturang isyu.

 

Layon ng House Resolution 2055 na malaman ng mambabatas na matukoy at matugunan ang gaps sa labor recruitment, migration policies, at anti-human trafficking laws upang mapigilan ang eksploytasyon ng mga kababaihan.

 

Base sa huling imbestigasyon, nasa 20 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang na-engganyo ng isang local agency na magtrabaho sa Thailand, subalit pinuwersa sa infant-trafficking scheme sa Cambodia.

 

Labing-tatlo sa mga ito ang sinasabing buntis sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan at nakaharap sa human trafficking-related na kaso habang ang natitirang pitong ofw ay nanganganib na mapa-deport dahil sa paglabag sa immigration laws.

 

“Surrogacy must not come at the cost of our women’s dignity and rights. These women were promised legitimate jobs, only to find themselves victims of a heinous trafficking scheme. We must take immediate action to protect them and ensure such exploitation is curbed,” anang mambabatas.

 

Layon din ng imbestigasyon ang implikasyon ng trafficking schemes, na isang paglabag sa karapatang pantao partikular na laban sa karapatan ng mga babae at bata.

 

Habang minomonitor ng Department of Justice (DoJ) at Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons (IACAT) ang naturang mga kaso, isinusulong ng resolusyon na masiguro na hindi na magiging biktima ang mgapinay sa mga ganitong panloloko sa hinaharap. (Vina de Guzman)

Other News
  • Ads April 5, 2022

  • SHARON, nag-breakdown at halos sumuko na ngayong naka-life support na si TITA FANNY; ‘di puwedeng makita, mayakap at mahalikan

    SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta last Wednesday, March 24, ramdam na ramdam talaga ang bigat na nararamdaman nang makarating sa kanya ang balitang naka-life support na ang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz na si Fanny Serrano na kilala rin bilang TF(Tita Fanny).     Nauna ngang ibinihagi ni Sharon ang nakalulungkot na balita […]

  • Pinoy athletes na kalahok sa 2021 SEA Games, hindi pa kasali sa priority list ng COVID-19 vaccination – Galvez

    Tatalakayin pa umano ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung maaaring isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna laban COVID-19 ang mga atleta at coach na kalahok sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games (SEAG).     Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer […]