• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Train law package 4, aprubado sa Komite

INAPRUBAHAN  ng House Committee on Ways and Means ang panukalang Package 4 of Republic Act 10963, o “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.”

 

 

Dating tinawag na “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA),” aamyendahan ng Package 4 ang ilang seksyon ng RA 8424 o National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, na magbabawas sa documentary stamp tax (DST) na ipinapataw sa lotto tickets mula P0.20 sa P0.10.

 

 

Ayon sa chairman nitong si Albay Rep. Joey Sarte Salceda, awtor ng House Bill 375, sa kabila na magkakaroon ng revenue losses sa gobyerno dala nito aymakakatulong naman na hidi maapektuhan ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bunsod na rin sa pagtaas ng presyo ng tiket sa hinaharap.

 

 

Kabilang ang HB 375 sa HBs 2111 at 3244 sa pinagsama-samang substitute bill para sa panukalang Package 4 ng TRAIN Law.

 

 

Nagkasundo rin ang komite na isama sa panukala ang proposal ng Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI) na alisin ang excise tax exemption sa pick-up trucks na isinulong sa ilalim ng TRAIN.

 

 

Nakasaad ito sa liham na ipinadala ni Finance Secretary Benjamin Diokno, kung saan nakasaad din na magreresulta ito ng tinatayang dagdag kita na P52.6 billion mula 2022 hanggang 2026.

 

 

Gayundin, inaprubahan din ng komite ang unnumbered substitute bill sa HBs 373, 2014, 2246, at 3888 o panukalang “Philippine Mining Fiscal Regime Act.”

Other News
  • “THE BOSS BABY” SEQUEL “FAMILY BUSINESS” REVEALS FIRST TRAILER

    THERE’S a new boss, baby. Check out the first official trailer of DreamWorks Animation’s The Boss Baby: Family Business  and watch the film in Philippine cinemas 2021.   Facebook: https://www.facebook.com/uipmoviesph/videos/848986719204643 YouTube: https://youtu.be/q2oJ0ShkrIw   In the sequel to DreamWorks Animation’s Oscar®-nominated blockbuster comedy The Boss Baby, the Templeton brothers—Tim (James Marsden, X-Men franchise) and his Boss Baby little bro Ted (Alec Baldwin)—have become […]

  • 330 mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa PH -DOH

    NAKAPAGTALA lamang ng 330 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas kahapon.     Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,676,991.     Sa data ng Department of Health (DoH) ang active case naman ay bumaba sa 42,835 mula sa dating 43,486 active cases.     Pumalo naman […]

  • Quezon City University libre tuition fee

    HINDI  na magiging problema ang tuition fee ng mga graduating sa senior high school at papasok sa kolehiyo dahil libre ang tuition fee sa Quezon City University (QCU).     Ayon kay Theresita V. Atienza, Pangulo ng QCU, dapat na samantalahin ang libreng college education na ino-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod matapos […]