• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Training ng PBA teams simula na ngayon sa Pampanga

Makakapagsimula nang mag-ensayo nga­yong araw ang mga PBA teams sa Pampanga na magandang senyales na abot-kamay na ang restart ng PBA Season 46 Philippine Cup.

 

 

Unang aarangkada sa ensayo ang Alaska at Barangay Ginebra na nasa morning schedule ng liga.

 

 

Parehong alas-8 ng umaga ang training ng dalawang tropa kung saan sasalang ang Aces sa Colegio de Sebastian sa San Fernando, Pampanga habang ang Gin Kings ay magsasanay sa Beverly Place sa Mexico City.

 

 

Nakalinya rin ang Magnolia Hotshots sa Colegio de Sebastian at ang Blackwater Bossing sa Beverly Place sa parehong oras na 10:15 ng umaga.

 

 

Kasunod nito ang Meralco Bolts (Colegio de Sebastian) at NLEX Road Warriors (Beverly Place) sa alas-12:30 ng hapon at ang Phoenix Super LPG Fuel Masters (Colegio de Sebastian) at NorthPort Batang Pier (Beverly Place) sa alas-2:45 ng hapon.

 

 

Sa last batch ang Rain or Shine Elasto Painters (Colegio de Sebastian) at San Miguel Beermen (Beverly Place) sa alas-5 ng hapon at ang TNT Tropang Giga (Colegio de Sebastian) at Terrafirma Dyip (Beverly Place) sa alas-7:15 ng gabi.

 

 

Magkakaroon ng dalawang oras na ensayo ang bawat koponan kung saan may pagitan na 15 minuto ang bawat team para big­yang daan ang 15 minuto na disinfection procedure.

 

 

Iginiit din ni PBA commissioner Willie Marcial na sumailalim sa swab test ang lahat ng miyembro ng team bago simulan ang ensayo.

 

 

Mas magiging mahigpit ang swab testing sa oras na magsimula na ang liga.

 

 

Nakaabang pa rin ang PBA sa approval ng Office of the Governor para sa restart na planong ganapin sa Angeles University Foundation Arena at Don Honario Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Other News
  • Dahil na-enjoy at na-appreciate: CARLA, ilang beses naranasan kaya mas pabor sa lock-in taping

    NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay ilang beses nang naranasan ni Carla Abella ang lock-in taping, at mas pabor siya sa ganung situwasyon.     “Opo, pero kung tutuusin po hindi ko na po naabutan yung lock-in sa Voltes V: Legacy.     “That was the time na medyo lumuwag na po yung restrictions in […]

  • MIC Board nagsagawa ng 1st meeting, tinalakay ang fund capitalization

    ANG MIC ay nagsisilbi bilang governing body ng Maharlika Investment Fund (MIF).     Sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office(PCO), tinalakay ng MIC Board ang fund capitalization at potensiyal na mga sektor na gagamitin para makamit ang multigenerational commercial, economic, at social development value creation.     “It likewise nominated Chairpersons for […]

  • RACECAR DRIVER JANN MARDENBOROUGH TALKS ABOUT HIS TRUE STORY IN “GRAN TURISMO” VIGNETTE

    HE dreamed the impossible to become an elite racer – experience the inspiring true story in Gran Turismo, exclusively in cinemas August 2023. Watch “The True Story” vignette:    YouTube: https://youtu.be/CuZjzfLo5Mc About Gran Turismo       Based on the true story of Jann Mardenborough, the film is the ultimate wish fulfillment tale of a […]