Trains na gagamitin sa LRT 1 Cavite Extension dumating na
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
Ang unang batch ng fourth-generation trains na galing sa Spain at Mexico na gagamitin sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay dumating na sa bansa.
“The train’s arrival marks the realization of the Light Rail Transit Line 1 (LRT1)’s Cavite extension project, which is eyed for partial operability this year,” wika ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
Ayon sa kanya 19 na taon na ang nakaraan ng ang proyekto ito ay simulan kung kaya’t ang administrasyon ni President Duterte ay nagpursiging matapos ito.
Mayroon kabuohang 120 na bagong bagon na tinatawag na light rail vehicles o LRVs ang ibibigay sa LRT-1 na isang proyekto na pinondohan ng pamahalaan ng Japan sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Sinabi naman ng Japanese embassy na ang proyektong ito ay magiging bahagi ng proyekto upang pagbutihin ang kapasidad ng transit system sa Metro Manila kung saan kasama ang suporta para sa pagpapalawig ng LRT line 1 at LRT Line 2.
“By procuring new LRVs, rehabilitating existing facilities, constructing line extension, and expanding current depots, the said project aims to improve the capacity of the LRT and deliver a safer, more reliable, and punctual railway system to commuters in the capital,” ayon sa DOTr.
Ang 11.7-kilometer na Cavite extension ay isang proyekto na ginagawa ng Light Rail Manila Corp., isang consortium na kasama ang Metro Pacific Light Rail Corp., AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd, na siyang private operator ng LRT 1.
“The project is expected to service and benefit 800,000 passengers daily by cutting down travel time between Baclaran and Bacoor from one hour and 10 minutes to just about 25 minutes once completed,” dagdag ng DOTr.
Mula sa Baclaran stations, walong (8) stations ang idadagdag at ito ay ang mga sumusunod: Redemptorist, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Pinas, Zapote at Niog kung saan magiging 28 na lahat ang stations mula sa dating 20 stations.
Ayon kay Tugade, magkakaron ng partial operability ang LRT 1 Cavite extension mula sa Baclaran hanggang Dr. Santos stations sa darating na December.
Pinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ang first phase ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite extension ay higit ng 50 percent na kumpleto.
“The LRT 1 Cavite Extension is now more than halfway to completion of the partial operability section until Sucat station, as we report an overall progress rate of 51.61% as of December 31,” wika ng DOTr.
Ang mga activities na ginagawa na ngayon sa proyekto ay ang bored piling, pier/portal column works at foundation works.
Kasama sa mabilis na pagtatayo ay ang pagpapalawak ng dating depot station sa Baclaran at ang pagtatayo rin ng bagong building para sa satellite depot sa Zapote station. (LASACMAR)
-
ANIME-ZING NOVEMBER AT THE CINEMAS
DEVOTED anime fans and film enthusiasts can look forward to a jampacked November with the successive release of anime films along with a live-action Japanese film best seen and experienced at the cinemas. “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes” leads two young people to Urashima Tunnel, a mysterious tunnel that can […]
-
Nuclear power , maaaring bumaba ang electricity cost; ERC, pinayuhan ang susunod na administrasyon
SINABI ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa incoming Marcos administration na maaaring makapagpababa sa halaga ng kuryente sa Pilipinas ang idagdag o isama ang nuclear energy sa power mix ng bansa. Tinanong kasi si ERC chairperson Agnes Devanadera kung ano ang kanyang mairerekomenda sa susunod na administrasyon upang matugunan ang kasalukuyang problema sa […]
-
A Weekend of Celebration: 10 Years of Greenfield District’s Weekend Market
The vibrant community brought out the thrill and festivities at the 10th-anniversary celebration of the Greenfield Weekend Market on May 25, 2024. The grand celebration was jam-packed with astonishing performances, exciting games, raffle prizes, and, of course, its staple artisan food, live art, and live music. Launched in March 2014, the […]