• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trains na gagamitin sa LRT 1 Cavite Extension dumating na

Ang unang batch ng fourth-generation trains na galing sa Spain at Mexico na gagamitin sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay dumating na sa bansa.

 

“The train’s arrival marks the realization of the Light Rail Transit Line 1 (LRT1)’s Cavite extension project, which is eyed for partial operability this year,” wika ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

 

Ayon sa kanya 19 na taon na ang nakaraan ng ang proyekto ito ay simulan kung kaya’t ang administrasyon ni President Duterte ay nagpursiging matapos ito.

 

Mayroon kabuohang 120 na bagong bagon na tinatawag na light rail vehicles o LRVs ang ibibigay sa LRT-1 na isang proyekto na pinondohan ng pamahalaan ng Japan sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

Sinabi naman ng Japanese embassy na ang proyektong ito ay magiging bahagi ng proyekto upang pagbutihin ang kapasidad ng transit system sa Metro Manila kung saan kasama ang suporta para sa pagpapalawig ng LRT line 1 at LRT Line 2.

 

“By procuring new LRVs, rehabilitating existing facilities, constructing line extension, and expanding current depots, the said project aims to improve the capacity of the LRT and deliver a safer, more reliable, and punctual railway system to commuters in the capital,” ayon sa DOTr.

 

Ang 11.7-kilometer na Cavite extension ay isang proyekto na ginagawa ng Light Rail Manila Corp., isang consortium na kasama ang Metro Pacific Light Rail Corp., AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd, na siyang private operator ng LRT 1.

 

“The project is expected to service and benefit 800,000 passengers daily by cutting down travel time between Baclaran and Bacoor from one hour and 10 minutes to just about 25 minutes once completed,” dagdag ng DOTr.

 

Mula sa Baclaran stations, walong (8) stations ang idadagdag at ito ay ang mga sumusunod: Redemptorist, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Pinas, Zapote at Niog kung saan magiging 28 na lahat ang stations mula sa dating 20 stations.

 

Ayon kay Tugade, magkakaron ng partial operability ang LRT 1 Cavite extension mula sa Baclaran hanggang Dr. Santos stations sa darating na December.  

 

Pinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ang first phase ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite extension ay higit ng 50 percent na kumpleto.

 

“The LRT 1 Cavite Extension is now more than halfway to completion of the partial operability section until Sucat station, as we report an overall progress rate of 51.61% as of December 31,” wika ng DOTr.

 

Ang mga activities na ginagawa na ngayon sa proyekto ay ang bored piling, pier/portal column works at foundation works.

 

Kasama sa mabilis na pagtatayo ay ang pagpapalawak ng dating depot station sa Baclaran at ang pagtatayo rin ng bagong building para sa satellite depot sa Zapote station. (LASACMAR)

Other News
  • Pangdagdag sa angioplasty procedure: GARDO, ibinebenta na ang kanyang gym equipment

    NAGHAHANDA na ang aktor na si Gardo Versoza sa ikalawang angioplasty procedure na kailangang gawin sa kanya.   Noong nakaraang Marso, dinala sa ospital ang aktor matapos atakihin sa puso.   Sa Instagram, nag-post ng video si Gardo na nagsasayaw at makikita sa likod ang kanyang gym equipment na kanyang ibinebenta.   Sa caption ng […]

  • DA, pinaigting ang pagsisikap para gawing makabago ang sektor ng bigas sa Pinas

    PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito na gawing makabago ang “rice farming sector” sa bansa.     Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pinaigting ng DA ang ginagawa nito para gawing makabago ang pagsasaka, magtayo ng mas  maraming agricultural infrastructure at i-adopt  ang pinakabagong teknolohiya para i-improve  ang rice […]

  • Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

    Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.     Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.     Dahil dito […]