• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport Group na Piston aangkas sa transport strike ng Manibela

IPINAHAYAG ng militanteng transport na Pinagkaisang Tsuper at Operator Nationwide o Piston na plano nitong makilahok sa tatlong araw na transport strike na ikinasa ng Manibela ngayong linggo.

 

 

Sabi ni Piston National President Mody Floranda, umaasa siyang makakausap si Manibela chairman Mar Valbuena upang plantsahin ang kanilang susunod na plano.

 

 

Ito ay matapos ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang Public Transport Modernization Program (PTMP) sa kabila ng senate resolution at mga panawagan na suspendihin ito, Sabi pa ni Floranda, dapat pag-aralan mismo ni PBBM kung bakit nagkakaroon ng Senate resolution.

 

 

Pagtitityak pa nya na sila ay maglulunsad ng mga serye ng pagkilos hindi lamang dito sa NCR kundi sa buong bansa at pinaghahandaan ang mas malawak na transport strike sa harap mismo ng MalacaƱang.

 

 

Kasabay nito, sinabi ni ka Mody na sa august 14, 2024 ay magsasanib ang pwersa ng Piston at Manibela sa isasagawang nationwide transport strike at karaban, dagdag pa ni ka Mody na hindi masusupil ng DOTr at LTFRB sa mga paraang pagsasampa ng kaso ang kanilang mga ikinasa or isinasagawang transport strike.

 

 

Base kay Floranda, ginagawa ng Piston at iba pang transport groups na kontra sa konsolidasyon ang kanilang bahagi upang imodernisa ang kanilang mga unit.

 

 

Matatandaang nag-anunsyo ng tatlong araw na tigil-pasada ang grupong Manibela bilang protesta at tugon sa posisyon ng pamahalaan na ituloy ang Public Transport Modernization Program. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Pigaan ng utak sa Tarlac chess, sisiklab

    MAGPAPASIKLABAN ngayong araw (Sabado, Pebrero 29) ang mga woodpusher sa Tarlac City Chess Club Inc. Open Invitational Chess Tournament at sa 2200 And Below Rapid Chess Championship sa Brgy. Sto Cristo Gym sa Tarlac City.   Suportado nina TCCCI president Arnold Soliman, sportsman Jesus Tayag, ABC president Winston Torres at New York-based Rainier Labay ang […]

  • Magnitude 5.9 na lindol niyanig Mindoro, ramdam hanggang Metro Manila

    BINULAGA nang malakas-lakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ayon sa Phivolcs, bagay na nangyari ilang oras matapos ianunsyo ang 2023 Bar Exam results.     Bandang 4:23 p.m. kahapon nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Lubang, Occidental Mindoro.     Nagtala ang Phivolcs ng iba’t-ibang intensity sa maraming bahagi […]

  • Psalm 5:3

    O Lord, in the morning you hear my voice; in the morning I prepare a sacrifice for you and watch