Transport group na PISTON , bigong makakuha ng TRO mula sa SC
- Published on December 30, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI agad pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON na humiling na suspendihin ng korte ang jeepney consolidation program ng pamahalaan.
Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang DOTr at LTFRB hinggil sa petition for certiorari and Prohibition with Urgent Application for a Temporary Restraining Order and /or writ of Preliminary Injunction na inihain laban sa kanila ng ilang PUJ operators at transport group na PISTON.
Binibigyan lamang ang mga respondents ng sampung araw para makapabigay ng komento sa naturang petisyon.
Bukod dito ay ipinag utos rin ng SC na personal na magtungo sa Korte ang mga respondents at personal na maghatid ng kanilang komento sa mga petitioners.
Kung maaalala, noong December 19 ng kasalukuyang taon ay nagtungo ang ilang transport group sa pangunguna ng PISTON at ilang petitioner sa SC upang hilingin sa korte na ideklarang null at void ang ilang probisyon na nakasaad sa Jeepney modernization program ng pamahalaan. (Daris Jose)
-
ORDINANSA ng QUEZON CITY TUNGKOL sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT
Nag viral ang isang kaganapan sa Quezon City ng diumano ay pinaghuhuli ang mga pasahero sa pampasaherong bus dahil wala silang suot na faceshield. Pinababa daw ang mga ito at tinikitan at pinagmulta. Depensa ng mga nanghuli ay may ordinansa ang QC – ordinance number 2965 – “mandating the wearing of face shield in public transport, workplace, […]
-
Warriors naghahanda sa kanilang victory parade
NAGHAHANDA na ang mga fans ng Golden State Warriors sa gagawin nilang victory parade matapos makuha ang kampeonato sa NBA ng talunin nila ang Boston Celtics. Magiging maiksi lamang ang parada na aabot sa mahigit isang kilometro pero magiging magarbo ang isasagawang programa matapos na makuha ang ikaapat na kampeonato sa kasaysayan ng […]
-
Quiboloy nanikip dibdib, isinugod sa ospital
ISINUGOD sa Philippine Heart Center si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa press briefing kahapon sa Kampo Crame. Ayon kay Fajardo, Huwebes, Nobyembre 7 nang dumaing ng paninikip ng dibdib at […]