Transport group naguguluhan sa P9 fare discount
- Published on March 22, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ng pahayag ang isang transport group tungkol sa ipapatupad na fare discount ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan sinabi na hindi lahat ng fare discount ay ipapatupad sa lahat ng ruta.
Binatikos ni Manibela president Mar Valbuena ang memorandum na nilabas ng Department of Transportation (DOTr) matapos ipahayag ang fare reduction dahil sa kakulangan ng mechanics.
Diniin ni Valbuena na dahil sa kakulangan ng mechanics at hindi naman malinaw kung ang mga nasa ilalim lamang ng service contracting ang kasama, kaya hindi lahat ng ruta ay makakasama.
“The transport sector will again bear the brunt of this fare discount. The DOTr should not have made the announcement without the mechanics as it has caused confusion among jeepney drivers,” wika ni Valbuena.
Hindi nila alam kung ang fare discount ay para lamang sa mga public utility vehicles (PUV) tulad ng traditional at modern jeepneys, buses at UV Express na kasama sa programa ng service contracting ng pamahalaan.
Ayon sa memorandum ng DOTr, magkakaron ng P3 rollback para sa traditional jeepney mula P12 at ito ay magiging P9 na lamang. Habang modern jeepney naman ay magiging P11 na lamang mula sa dating P14.
“Commuters presume that the discount fare covers all public utility jeepneys. How about the routes that will not be included in the discount? The jeepney drivers will be affected if they cannot avail themselves of government subsidy,” dagdag ni Valbuena
Nagbigay ng suhestiyon si Valbuena na dapat sana ay pag-aralan munang mabuti ng LTFRB ang guidelines bago ito ipatupad kung saan magkakaron ng P9 discounted fare.
“The mindset of the passengers is that all public utility vehicles will offer fare discounts. But based on the announcement of the DOTr, PUV operators who can avail themselves of the program are those with cooperatives,” saad ni Valbuena.
Sinabi rin ni Valbuena na kung magiging ganito ang pagpapatupad ng discounted fare, tiyak na magkakaron ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga drivers na hindi naman kasama sa discounted fare at ng pasahero.
Ayon sa DOTr, ang fare discounts ay ipapatupad kapalit ng libreng sakay na dati ng ipinatupad sa EDSA bus carousel.
Sa ilalim ng service contracting program, ang pamahalaan ay naglaan ng P2.1 billion para sa discounted fares. Tatagal ng anim (6) na buwan ang nasabing discounted fares. LASACMAR
-
LeBron James Steps Into the Warner Bros. Multiverse in the First Trailer for ’Space Jam: A New’
NBA star LeBron James steps into the Warner Bros. multiverse ang team-up with the Tunes Squad in the first trailer for Space Jam: A New Legacy! Fans hoping to keep basketball passions alive this summer will be pleased to learn that Warner Bros. just dropped the first trailer for the live action-animated sequel to […]
-
PDu30, binalaan ang mga magbebenta ng pekeng Covid-19 vaccines
BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga magbebenta ng mga pekeng Covid-19 vaccines sa bansa. Ayon sa Pangulo, titiyakin niya na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang gagawin o kaya naman ay pupulutin ang mga ito sa kung saan sila dapat pulutin. “Itong nagi-import ng walang ano, walang source tapos peke tapos ang mga tao […]
-
Angelo Nicolas Almendras, NU Bulldogs lumapit sa walis-titulo
UMANGAS si Angelo Nicolas ‘Nico’ Almendras upang akbayan ang National University sa 25-19, 25-21, 25-19 panalo kontra University of Santo Tomas sa Game 1 best-of-three finals ng 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge Linggo ng hapon sa Paco Arena sa Maynila. Tumikada si Almendras ng 13 points kasama ang 14 excellent receptions para isampa […]