• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport groups atras muna sa taas pasahe

UMATRAS na ang iba’t ibang transport groups sa hiling nila na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nagrereklamo sa serye ng taas sa halaga ng petroleum products.

 

 

Ito ay makaraang makumbinsi ng Department of Transportation ang mga opisyal ng transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at 1-United Transport Ko­alisyon na huwag na lamang humingi ng taas sa minimum na pasahe dahil dodoblehin ng gobyerno ang naibibigay na fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga passenger vehicles.

 

 

Sinasabi rin ni Dotr Secretary Arthur Tugade na oras na magtaas ng pasahe ay maaring tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.

 

 

Una nang nagsabi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isasalang nila sa isa pang pagdinig sa susunod na linggo ang P1 provisional increase of P10 minimun fare hike petitions ng iba’t ibang jeepney groups.

 

 

Ayon sa DOTr, naglaan ang ahensiya ng P5 ­bilyong pondo bilang fuel subsidy sa mga driver at operators ng mga pampasaherong sasakyan.

 

 

Ang kalahati o P2.5-B ay ibibigay na ngayong Marso at ang P2.5-B ay sa Abril. Aabot sa P13,000 fuel subsidy ang matatanggap ng bawat tsuper.

 

 

Nagbabala naman si LTFRB Chairman Martin Delgra na parurusahan at aalisin ang permit to operate ng mga pampasaherong sasakyan oras na malaman na nagtaas agad ng pasahe nang walang otorisasyon mula sa ahensiya. (Gene Adsuara)

Other News
  • May 7,000 erring motorcycle riders sinita

    Sinita ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa 7,000 na motorcycle riders dahil sa hindi pagtupad sa regulasyon tungkol sa backriding na ipinatutupad ng IATF simula ng payagan ng pamahalaan ang ganitong klaseng transportasyon sa ilalim ng GCQ.   Marami sa mga backriding couples ay hindi sumusunod sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng […]

  • Bus sa EDSA busway, dinagdagan

    DINAGDAGAN  pa ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 42 bus units na bibiyahe sa EDSA busway.     Bahagi ito ng  ‘trial’ basis’ para sa mga susunod na araw.     Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, nagsimula ang trial/simulation ng rescueOmnibus Franchising Guidelines (OFG)-compliant bus units ng alas-6:00 ng gabi […]

  • Creamline diretso sa Finals

    MULING  humataw si op­po­site spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena.     Nakalikom ang dating Uni­versity of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks […]