• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport groups, buhos ang suporta sa Ako Ilocano Ako Partylist, Para sa Pilipino ni first nominee Richelle Singson

Transport groups, buhos ang suporta sa Ako Ilocano Ako Partylist ni first nominee Richelle Singson   MAINIT ang naging pagsuporta ng iba’t ibang transport group sa proclamation rally ng Ako Ilocano Ako, Para sa Pilipino partylist na ginanap Huwebes, April 3 sa Corinthian Gardens Clubhouse. Pinangunahan ang nasabing pagtitipon nina Former Ilocos Sur governor Chavit Singson, Ako Ilocano Ako partylist first nominee Richelle Singson, kasama ang senatorial candidates na kanila ring sinusuportahan gaya nina Ping Lacson, former Senate president Tito Sotto, Sagip partylist Representative Rodante Marcoleta, TV host Willie Revillame, DILG secretary Benhur Abalos at Senator Bong Go. Dito ay ipinahayag nila sa harap ng mga representatives ng transport sector ang kanilang mga plano kung paano matutulungan ang mga tsuper. Ibinahagi ni Congresswoman Richelle ang adbokasiya at pagmamalasakit ni Manong Chavit sa sektor ng transportasyon. Partikular ang pagtulong sa mga transport group sa pagsasakatuparan ng modernisasyon sa transportasyon. Bagama’t hindi natuloy ang pagtakbo sa senado ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong. Pahayag pa ni first nominee Cong. Richelle, “We want to focus on ensuring they have access to housing, a sound retirement plan, medical assistance, and insurance. These are crucial things for drivers to feel secure. From there, we will see what laws we can formulate to benefit them.” Matatandaan na nitong Enero ng taong kasalukuyan ay inilunsad ni Manong Chavit na ang kanilang kumpanya kasama ng mga partners nila ay planong mag-produce ng higit 500 e-jeepneys bawat buwan as a private sector initiative para mabigyan ang mga local jeepney drivers ng modernisasyon sa pampublikong transportasyon. “Ang modernisasyon ng jeepney ay hindi lang tungkol sa sasakyan, kundi tungkol sa pagpapahusay ng kalidad ng pamumuhay ng lahat. Ito ang isa sa maiaambag kong tulong patungong sa mas maunlad at makabagong Pilipinas,” pahayag pa ni Manong Chavit. Samantala, ang PASANG MASDA National President Obet Martin ay lakas loob ding ipinahayag ang kanilang pagsuporta sa organisasyon at sa mga senatoriables na sinusuportahan nito. sector lalo na ang mga mahihirap na tsuper. (MRAntazo)

Other News
  • Binuweltahan ang Tsina… Tigilan na ang agresibong aksyon sa WPS, kapalit ng pagpapabalik sa US missile system

    BINUWELTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambabatikos ng Tsina sa deployment ng Typhon missile system ng Estados Unidos sa Pilipinas kasabay ng alok na isang kasunduan. Sinabi ni Pangulong Marcos na handa niyang tanggalin at alisin sa bansa ang Typhon missile launchers ng Estados Unidos kung ititigil na ng Tsina ang agresyon nito sa […]

  • ARJO, kumpirmadong special guest sa sitcom nina MAINE na ‘Daddy’s Gurl’

    KUMPIRMADO na si Arjo Atayde ang special guest sa birthday episode ni Maine Mendoza sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl na ipalalabas sa March 6 sa GMA-7.     In-announce nga ito sa interview ni Nelson Canlas noong Huwebes (Feb. 25) sa ‘Chika Minute’ segment ng 24 Oras.     Happy […]

  • VILMA, pangarap pa rin ni Direk BRILLANTE na makatrabaho sa isang movie; type ding maidirek sina JOSHUA at NADINE

    BIHIRA ang pagkakataon na makakwentuhan ang Cannes Palme D’Or winner director na si Brillante Mendoza.     We were fortunate na naimbita ng award-winning director sa kanyang Secret Garden sa Mandaluyong, na ang laki na nang pagbabago since the last time we were able to go there many years ago.     Kahit na mahaba […]