Transport Secretary Arthur Tugade nanawagan sa mga tsuper na lumahok sa ‘Service Contracting Program’ ng pamahalaan
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
Muling nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan (PUVs) na magpa-rehistro at lumahok sa “Service Contracting Program” na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nagkaron ng general registration program para sa Service Contracting na ginaganap ang general registration at orientation ng LTFRB sa Quezon City Memorial Circle Covered Basketball Court noong Miyerkules, ika-25 ng Nobyembre hanggang Linggo, ika-29 ng Nobyembre, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Kasabay ng isinasagawang general registration at training sa QC circle, mayroon ding nagaganap na general registration at training para sa service contracting program sa iba’t-ibang mga rehiyon sa bansa, tulad ng CARAGA, Regions 1, 6, 7, 9 10, 11 at 12.
Sa ilalim ng Service Contracting Program, ang mga tsuper na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 ay maaring makatanggap ng dagdag na pagkakakitaan.
Ayon kay Tugade ang mga drayber ng pampublikong sasakyan ang isa sa mga matinding tinamaan ng pandemya, kaya naman gusto nila silang matulungan. Ang Service Contracting Program ay kaakibat ng Bayanihan to Recover as One Act, kung saan tutulungan ang mga tsuper na magkaroon ng dagdag na kita sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo base sa kanilang performance, na makatutong din upang maitaas ang lebel at kalidad ng kanilang serbisyo.
Nananawagan din siya sa mga tsuper na makilahok sa programang ito, nang sa ganon ay matulungan sila ng pamahalaan na mabawi nila ang nawala nilang kita dahil sa pandemya. Kailangan lamang nilang magpa-rehistro at huwag sayangin ang pagkakataon, dagdag ni Tugade.
Matatandaan na ang Bayanihan To Recover As One Act o “Bayanihan 2” ay naglaan ng P5.58 bilyon para pondohan at isakatuparan ang “service contracting program” at tulungan ang mga tsuper na na magkaroon ng dagdag na kita.
Sa pamamagitan ng Service Contracting Program, babayaran ng pamahalaan ang mga tsuper sa pamamagitan ng isang “performance-based subsidy”, kung saan gagawing batayan ang distansyang itinakbo ng mga pampublikong sasakyan na minamaneho nila.
Ayon sa LTFRB, ang mga tsuper ng mga tradisyunal at modernong jeepneys ay makakatanggap ng P11 kada kilometro. Samantala, ang mga tsuper naman ng mga pampublikong bus ay makakatanggap ng P23.10 kada kilometrong itinakbo.
Ang “subsidy” o ayuda para sa mga tsuper ay base sa sumatutal na kilometrong kanilang itinakbo sa isang araw. Ang subsidy ay ibibigay kada isang linggo sa mga tsuper sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines.
Layon nitong makatulong sa pang-araw na gastos ng mga tsuper sa kanilang biyahe gaya ng gastos sa krudo, boundary, at iba pang gastusin para tugunan ang mga “quarantine protocols.”
Ang mga tsuper na nais lumahok sa programa ay kailangang magpakita ng “original” at “photocopies” ng kanilang propesyunal na lisensya, isang “certificate” na pirmado ng kanilang opereytor na magpapatunay na sila nga ay isang tsuper, dalawang photocopies ng operator’s valid ID (harap at likod) na may tatlong pirma ng operator, at isang photocopy ng “official receipt” (OR) o “certificate of registration” (CR) ng jeepney o bus na kanilang minamaneho.
Kailangan ding sumunod ang mga tsuper-aplikante sa mga health at safety protocols na pinaiiral sa lugar na pinagdarausan ng event, tulad ng pagsagot sa Health Declaration at Contact Tracing Forms bago pumasok, pagsusuot ng face shield at face mask, at ang social distancing measure. (LASACMAR)
-
VP Sara, hindi deserve na ma-impeached-PBBM
NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi deserve ni Vice President Sara Duterte na ma-i impeached sa kabila ng naging pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan na ito ng ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached, we don’t want her […]
-
Nangako ang mga ‘anak’ na susuportahan: AI AI, ipo-produce ang next installment ng ‘Ang Tanging Ina’
ISANG ABS-CBN insider ang nakapagsabi sa amin na nakatakdang i-produce ni Ai Ai delas Alas ang pagbabalik ng pelikulang “Ang Tanging Ina”. Kumbaga ang comedy concert queen daw mamuhunan para sa bagong installment ng pelikula na pumatok nang husto sa mga sinehan noon. Kasalukuyang makikipag-usap daw si Ai Ai […]
-
GLAIZA, magko-concentrate sa dalawang international films dahil tapos na ang lock-in taping ng ‘Nagbabagang Luha’
MUNTIK na palang mahimatay si Glaiza de Castro sa isang matinding eksena sa GMA Afternoon Prime teleserye na Nagbabagang Luha. Kinuwento ng aktres na dahil naapektuhan siya sa kinukunang mabigat na eksena, bigla raw siyang hindi makahinga nang maayos. “May isang eksena na hindi talaga ako makahinga. As in naninikip ‘yung […]