• June 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trapik sa Kalakhang Maynila, pinuna ni PDU30

PINUNA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kakulangan sa hakbang at iba’t ibang solusyon na ipinatupad ng mga otoridad para mabawasan ang bigat ng trapik sa Metro Manila.

 

 

Sinabi ng Chief Executive na sa Las Pinas, kulang pa rin ang mga nagawa ng hakbang sa kabila ng iba’t ibang paraan ng ginawa para mapagaan ang trapik sa Kalakhang Maynila.

 

 

Nandiyan na aniya ang mga naitayong elevated highways subalit wala aniya siyang makitang epekto upang makaramdam ng pagbabago sa lagay ng trapiko sa Kamaynilaan

 

 

Hindi aniya sapat ang mga ito upang makalikha ng matinding impact para sa pamumuhay ng mga taga – NCR at kahit sa buong bansa.

 

 

Una dito’y sinabihan na kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang MMDA na kung maaari ay paspasan nito ang ginagawang pag- aaral para mabawasan ang trapik sa National Capital Region.

 

 

Kinabibilangan ito ng mismong proposal ng MMDA na magkaroon ng Elevated Walkway para sa mga tao at Bicycle Lane para makabawas sa magdadala ng sasakyan at ang mungkahing odd- even scheme.

 

 

“Alam mo dito sa Maynila, traffic alone, even with the advent of this elevated highways, it’s not enough really to make a great impact on the lives of the people of Manila and of the Philippines kaya kulang pa rin,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, ang hirit naman ni Pangulong Duterte sa MMDA ay bilisan ang ginagawang pag- aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region.

 

 

Sabi ng Pangulo kay MMDA Chairman Romando Artes, agad sanang maisagawa ang pag- aaral at mula doon ay marepaso na ng mga eksperto ang mga pinaplanong hakbang.

 

 

Tinutumbok aniya niya dito sabi ng Pangulo ang mga competent authorities na konektado at may sapat na kaalaman para makamit ang target na mahanapan na ng solusyon ang trapik sa NCR at Greater Manila Area.

 

 

Base sa inilatag na proposal ng MMDA kay Pangulong Duterte, nais nilang magkaroon ng Elevated Walkway para sa mga tao at Bicycle Lane upang mahikayat ang mga ito na

 

 

maglakad o magbisikleta na lamang papunta sa trabaho at makabawas sa magdadala ng sasakyan. (Daris Jose)

Other News
  • 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos, naisabatas na

    NAISABATAS na ang 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katatapos lamang na pagpupulong ng ika-apat na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 19.       Kabilang naman sa mga priority bills na […]

  • 3 propesora sinaluduhan ng PSC

    SUMAWSAW ang Philippine Sports Commission (PSC) sa selebrasyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa International Day of Education nang itakda nang itampok ang tatlong propesora sa Rise Up! Shape Up Web Women in Sports Program.     “We all know how important education is in building the character of responsible citizens. […]

  • Isa sa mga dahilan kung bakit nag-retire na sa showbiz: DEREK, anak na talaga ang turing kay ELIAS at ‘di stepson

    “I adore this boy. I hate using the word stepson, I think he’s my son,” ang bulalas ni Derek Ramsay nang nakausap namin kamakailan sa SamLo Cup fundraising golf tournament ng aktres na si Samantha Lopez.     Ang tinutukoy ni Derek ay si Elias na anak ng dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz […]