• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Traslacion, hindi pahihintulutan ni Yorme hangga’t may COVID

NAGPAHIWATIG si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nito pahihintulutan na matuloy ang nakagawian ng mga debotong Kristyano na “Traslacion” sa ika-414 taon anibersaryo ng pagdiriwang ng Mahal na Poong Nazareno sa darating na Enero 9, 2021.

 

Ayon kay Domagoso, bagama’t ilang buwan pa bago ang nasabing pagdiriwang ay nagpahatid na agad ito ng mensahe partikular na sa pamunuan ng Simbahan ng Quiapo dahil na din sa kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.

 

Aniya, hangga’t may panganib dulot ng COVID-19 at wala pang gamot o bakuna laban dito ay hindi nito papayagan ang nakagawiang Traslacion ng Mahal na Poong Nazareno na dinadagsa ng milyun-milyong deboto nito.

 

“I cannot afford to have that kind of situation while I respect, don’t forget I’m a Catholic, and I believe sa Poong Nazareno. Kaya hinihingi ko na ng patawad sa Diyos kung ako’y mali na pangalagaan natin ang kaligtasan ng halos ilang milyong Pilipino na nagpupunta sa Poong Nazareno,” ani Domagoso.

 

“Kapag ganito ang sitwasyon, wag na kayong mangarap, but remember public official ako e, my mandate is the general welfare to protect the general population. I have to set aside my personal belief, so kailangan ang mangibabaw sa akin pang-unawa sa sitwasyon upang ito ay pamahalaanan,” dagdag pa ng Alkalde.

 

Hinikayat naman ni Domagoso na gumawa na ng “contingency plan” ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo lalo na ang komite na namamahala sa prusisyon kung saan sinabi ng Alkalde na maaaring matuloy ang taunang “Traslacion” na makikita ng mga milyun-milyong deboto ang Poon sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

 

“Wala kaming nais baguhin sa kultura sa tradisyon , kostumbre, kaligtasan niyo ang mahalaga sa akin,” giit pa ng Alkalde.

 

Samantala, sakaling magkaroon na ng “vaccine” o bakuna laban sa sakit na COVID-19 at depende na din sa sitwasyon ay maaaring payagan ni Domagoso ang Traslacion sa Enero 9. (Gene Adsuara)

Other News
  • May mensahe rin kay Kyline na nali-link sa anak: JACKIE, proud mom sa pagrampa ni KOBE sa ‘New York Fashion Week’

    PROUD mom si Jackie Forster sa pagrampa ng anak na si Kobe Paras sa New York Fashion Week.     May mensahe rin si Jackie kay Kyline Alcantara na nali-link ngayon kay Kobe.     Sa Instagram, ibinahagi ni Jackie ang video compilation ng pagrampa ni Kobe sa naturang fashion event para sa brand na […]

  • PETISYON NA KANSELAHIN COC NI TULFO, IBINASURA

    IBINASURA  ng second division ng Commission on Elections ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy  (COC) ni senatorial bet Raffy Tulfo, ayon kay acting Comelec chairman Socorro Inting nitong Miyerkules.     Sinabi ng Comelec second division na walang  misrepresentation sa COC ni Tulfo nang pangalanan niya si Jocelyn Tulfo bilang kanyang asawa.   […]

  • Ads December 21, 2022