• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel ban pinalawak pa

PINALAWAK ng Bureau of Immigration ang pagpapatupad ng travel ban kabilang na ang North Gyeongsang Province, Daegu at Cheongdo sa South Korea sa gitna ng Covid-2019 outbreak.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang nasabing pagpapalawak ng travel ban ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (EID) na isama sa pagbabawal ang inbound at outbound travel mula sa nasabing rehiyon.

 

Gayunman, nilinaw ni Morente na hindi ito total ban para sa mga travelers mula South Korea ngunit para lamang sa mga travelers na nagmula sa North Gyeongsang Province, Daeugu at Cheongdo .

 

Ayon pa kay Morente, ang nasabing mga dayuhan mula sa South Korea ay i-screen upang malaman kung saan sila galing sa nasabing rehiyon.

 

Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, nangako ang gobyerno ng Korea na mag-isyu ng isang sertipikasyon upang malaman kung mula sa mga apektadong rehiyon ang mga pasahero.

 

Inatasan naman ang mga IOs na maingat na suriin ang mga darating na pasahero mula sa Timog Korea at hilingin ang Resident Registration Certificate (RRC) at kanilang National ID na masuri.

 

Ayon pa sa BI, una nang nangako ang gobyerno ng Korea na magsagawa ng maximum quarantine steps sa Daegu at sa nakapalibot nitong lalawigan upang mapigilan ang virus.

 

“We have also sought the assistance of airlines, requiring them to collect and disclose to immigration authorities the full itineraries of passengers with a travel history to Korea within the last 14 days.

 

“Similar to earlier bans, airlines have been advised not to board said passengers in flights to the Philippines,” ani Medina

 

Hindi naman kasama sa travel ban ang mga dumarating na Pinoy , mga asawa at anak, Philippine permanent resident , visa holders, at miyembro ng diplomatic corps.

 

“What’s different in this ban is that transiting passengers are allowed, as recommended by the task force, as long as they do not pass through North Gyeongsang Province, Daegu, and Cheongdo.

 

“This is a result of the relatively lower confirmed cases of the Covid-19 in Korea,” dagdag pa ni Medina.

 

Habang ang mga outbound Filipinos naman ay pansa-mantalang hindi pinapayagang bumiyahe sa buong South Korea.
Tanging ang Korean permanent resident visa holders, overseas Filipino workers at student visa holders ay pinapayagang bumalik sa nasabing bansa.

 

Ang mga dayuhan mula sa South Korea ay nanatiling nangunguna sa mga foreign arrivals kung saan noong 2019 ay mahigit sa 2.1 milyon Korean national ang pumasok sa Pilipinas.

 

Nilinaw ni Morente na hindi nila inantala ang implementasyon ng nasabing travel ban.

 

“We had to thresh out implementation issues, as this travel ban is different compared to the previous ones issued.
“We are one with the government in ensuring that this health scare does not spread in the country, by implementing policies properly and effi-ciently,”dagdag pa ng opisyal. (Gene Adsuara)

Other News
  • Quad Comm leaders itinanggi alegasyon pinilit ang isang PNP official na mag-testimonya vs war on drugs ni ex-PRRD

    IBINASURA ng mga lider ng House Quad Comm na “kasinungalingan” ang mga alegasyon na pinilit nila ang isang opisyal ng pulisya na suportahan ang testimonya kaugnay sa kontrobersyal na reward system sa brutal na war on drugs ng administrasyong Duterte.       Sinabi ni Police Col. Hector Grijaldo sa isang panel ng Senado na […]

  • Djokovic nagkampeon sa Australian Open

    Inilampaso ni Novak Djokovic si Daniil Medvedev para makuha ang ika-siyam na Australian Open title.     Nagtala kasi ang world number 1 na score na 7-5, 6-2, 6-2 at nakuha ang ika-18th Grand Slam title.     Sa simula pa lamang ay paborito na manalo ang 33-anyos na Serbian tennis star kumpara sa 25-anyos […]

  • HANDA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES, AYON SA DOH

    HANDA  na ang bansa para sa  face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     “Well, at this point that you ask me, right now, I can say that we are ready. Ma-sustain lang natin na ang mga kaso nga like the ordinary flu — it’s […]