Travel ban sa 8 bansa, ikinasa na ng Pilipinas
- Published on December 17, 2021
- by @peoplesbalita
PINAGBAWALAN na ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa 8 territories sa layuning iiwas ang bansa sa matinding mutated Omicron COVID-19 variant.
Epektibo Dec. 16 hanggang 31, ang mga biyahero mula sa mga sumusunod na “high-risk” areas na bahagi ng tinatawag na “Red List” ay pagbabawalan na makapasok ng Pilipinas.
Ang mga bansang ito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay ang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Reunion, San Marino, South Africa at Switzerland.
“The restriction covers everyone who has been to these 8 areas in the last 14 days, regardless of their vaccination status,” ayon kay Nograles.
Tanging ang mga Filipino lamang na magbabalik sa bansa sa pamamagitan ng repatriation efforts at “Bayanihan” flights ang exempted mula sa travel ban.
“To all those who plan to come home during the holidays, we humbly request your patience as we in the IATF continue to make modifications to our protocols. These are all being done in response to evolving situations in the world,” anito.
“We want to keep our people safe, and we will do what is necessary to achieve that,” dagdag na pahayag ni Nograles. (Daris Jose)
-
Luke 1:28
Hail, full of grace.
-
Pope Francis emosyunal na humingi nang tawad sa mga katutubo sa Canada
BUONG pusong humingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga katutubo ng Canada na naging biktima ng pagmamaltrato at pangmomolestiya umano ng ilang opisyal ng simbahan na nagpapatakbo noon sa kanilang paaralan. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga katutubo, sinabi nito na labis siyang nahihiya sa ginawa ng kapwa niya Kristiyano sa […]
-
Kelot na wanted sa rape sa Dipolog City, nabitag sa Valenzuela
NATAPOS na ang 21-taong pagtatago ng isang puganteng manyakis na nahaharap sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Zamboanga del Norte nang matunton ng pulisya ang kanyang pinagtataguang sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Valenzuela Acting Police Chief P/Maj. Amor Cerillo, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa […]