• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel ban sa Taiwan, binawi na ng pamahalaan

Binawi na ng pamahalaan ang pag-iral ng travel ban sa Taiwan.

 

Dahil dito, maaari na muling makabiyahe anuman ang nationality mula Pilipinas patungong Taiwan at mula Taiwan pabalik ng Pilipinas.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagbawi sa ban ay napagpasyahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).

 

Ito ay dahil sa mayroon namang istriktong measures na ipinatutupad ang Taiwan at may mga protocols para matugunan ang COVID-19. Kaugnay nito sinabi ni Panelo na masusing pag-aaralan ng IATF ang kondisyon sa iba pang mga lugar kabilang ang Macau hinggil sa posibilidad na pagbawi na rin ng travel ban.

 

“IATF will likewise evaluate other jurisdictions, including Macau, for the possible lifting of the imposed travel ban after their submission of the protocols being observed by their government which prevent potential carriers of the said virus from entering and deporting their territory and enable others to determine the recent travel history of any traveler exiting their borders,” ayon kay Panelo. (Daris Jose)

Other News
  • North Korea muling nagpalipad ng ballistic missiles

    MULING nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea isang linggo matapos ang pinakahuling missile test nila.     Kinumpirma ito ng Japan at ang South Korea.     Nauna ng hinikayat ng anim na bansa ang North Korea na tigilan na ang ginagawa nitong missile test dahil ito ay lubhang mapanganib.     Ang pinakahuling […]

  • Batas na nagpangalan kay Fernando Poe Jr. sa Roosevelt Ave, pirmado na ng Pangulo

    OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas naglalayong ipangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Sa pamamagitan ng Republic Act 11608 pinalitan na bilang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Ipinag-utos ng batas […]

  • NBA: Pinalakas ni Domantas Sabonis ang Kings laban sa Warriors

    Nagtala si Domantas Sabonis ng 26 puntos, 22 rebound at walong assist para tulungan ang Sacramento Kings na iposte ang 122-115 panalo laban sa bisitang Golden State Warriors noong Linggo ng gabi.   Nag-ambag si De’Aaron Fox ng 22 puntos, walong assist at tatlong steals at si Keegan Murray ay may 21 puntos at tatlong […]