TRAVEL BAN SA VIETNAM, POSIBLE
- Published on June 2, 2021
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN kung magpapatupad ng travel ban sa Vietnam upang maiwasan ang magpasok ng sinasabing hybrid variant .
Pero ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, hindi pa puwedeng pangunahan dahil kailangan pang iberipika at wala pang sapat na ebidensya na ang nasabing variant na kombinasyon ng India at UK variant .
Ayon pa kay Vergeire, pinag-aaralan na ng mabuti ng World Health Organization (WHO) ang ulat matapos magpalabas ang gobyerno ng Vietnam hinggil sa mix variant na base sa kanilang pag-aaral at mabilis na makahawa sa pamamagitan ng hangin upang makapagbigay ng guidelines.
Aniya, nagpalabas na rin ng announcement ang WHO na hindi pa nakukuha lahat ang mga detalye at nakikipag-ugnayan pa ito sa Vietnam.
Ang WHO rin aniya ang nagka-classify ng variant of concern .
“If ever this would be proven na totoo nga po at mayroon talaga soyang concrete na ebidensya na this would happen , WHO would guide all countries kung ano ang gagawin”, ani Vergeire.
Gayunman, mayroon naman aniyang ipinatutupad na safeguards sa ating bansa .
Nanatili aniya ang mga protocol para sa mga travellers na papasok sa bansa .
“If that would be something na sasabihin ng WHO at sinabi nila na ang classification is of concern, nandiyan po yung posibilidad na maaring gawin yan para lamang ma-prevent ang pagpasok ng ganitong variant sa ating bansa”, pahayag pa ni Vergeire kaugnay s pagpapatupad ng travel ban sa Vietnam,.
Sapat naman ayon kay Vergeire ang ipinapatupad na protocol ngunit kung napatotoo ang nasabing bagong variant mula Vietnam ay kailangan lamang na iintensify o mas higpitan ang mga protocols na ito. (GENE ADSUARA)
-
Crime rate sa Metro Manila, bumaba ng 17% – PNP
INIULAT ng Philippine National Police na bumaba ng 17 porsiyento ang crime incidents sa National Capital Region mula November 2021 hanggang Enero 2022. Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang pagbaba ng crime incidents mula Nob. 20, 2021 at hanggang Enero 23, 2022 ay indikasyon ng maigting na kampanya ng PNP laban […]
-
WALANG AKTIBIDADES SA CHINESE NEW YEAR SA MAYNILA
WALANG magaganap na anumang aktibidades sa Chinese New Year sa Maynila sa Pebrero 11, ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso. Ito ang sinabi ng Alkalde sa kanyang pagdalo sa 120th founding anniversary sa kanyang pakikipagpulong sa mga organizer na walang magaganap na parade sa nasabing pagdiriwang. Aniya maagang naabisuhan ang mga Filipino […]
-
Salary adjustment sa 2023 siniguro ng DBM
TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa susunod na taon. Tugon ito ng departamento sa hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga empleyado ng gobyerno. “The Department of Budget and Management […]