Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na
- Published on January 6, 2023
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19.
“We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the flight and of course, test them upon arrival,” payo ni Dr. Tony Leachon sa Inter-Agency Task Force on COVID-19.
“If they are to be positive, they will be quarantined for about 7 days.”
Dapat umanong gayahin na ng Pilipinas ang ipinatutupad ng ibang bansa na restriksyon dahil sa patuloy na kakulangan sa datos at transparency ng virus sa China. Aminado rin ang Beijing na imposible na nilang makalkula ang lala ng outbreak nang tapusin nila ang mandatoryong “mass testing” noong nakaraang buwan.
Ikinatwiran ni Leachon na bagaman maayos ang kundisyon ng Pilipinas, maaaring mabaligtad ito sakaling kumalat ang mga bagong subvariants na nananalasa sa China lalo na at bumababa na ang immunity ng mga Pilipino at mababa ang nagpapabakuna ng booster shots sa ngayon.
Una nang iginiit ng Department of Health (DOH) na epektibo pa rin ang ipinatutupad na health protocols ng bansa sa anumang uri ng COVID-19 variants.
Pero para kay Leachon, kailangan nang baguhin ng gobyerno ang COVID-19 protocols patunay ng pananaw ng mga eksperto sa mundo na maaaring magkaroon ng bagong COVID-19 surge sa susunod na tatlong buwan.
Dapat umanong ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask, at madaliin na ang pagbili ng mga bagong “bivalent vaccines” at dagdag na mga antiviral na gamot.
-
‘Vax to the Max’: Galvez, target na alisin na ang priority list sa COVID-19 vaccination
KINUKUNSIDERA na ni Secretary Carito Galvez Jr., vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against the Coronavirus Disease (COVID-19), ang pag-alis sa “priorities” sa vaccination program upang bigyang daan ang pagbabakuna sa lahat ng mga indibiduwal na handa at payag na magpabakuna. Ani Galvez, nakausap na ng NTF ang […]
-
Tanggapan ng pamahalaan sa NCR, inatasan na i-adopt ang skeleton workforce sa panahon ng ECQ
IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at instrumentalities sa Kalakhang Maynila na nasa ilalim ng executive branch na magtalaga ng skeleton workforce sa panahon na ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20. Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 87, na tinintahan, araw ng Martes ni Executive Secretary […]
-
Kasabay ng selebrasyon ng kanyang 40th birthday: IZA, isiniwalat na ipinagbubuntis na ang first baby nila ni BEN
SA Instagram post ni Iza Calzado-Wintle noong August 12, sabay sa celebration ang kanyang 40th birthday, isiniwalat ng magaling na aktres na magiging mommy na sa panganay anak nila si Ben Wintle. Umaapaw nga ang happiness ngayon ng Kapamilya actress na mapapanood sa ‘Darna’ TV series bilang ina ni Narda, simula ngayong gabi na […]