Travel restrictions sa 10 bansa, pinalawig hanggang Setyembre 5
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang kasalukuyang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Setyembre 1 hanggang 5, 2021.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nasabing travel restrictions ay bahagi ng pro-active measures para mapabagal ang pagtaas n bilng ng COVID-19 cases, mapigil ang pagkalat ng variants at itaas ang umiiral na healthcare capacity sa bansa.
Matatandaang noong Agosto 15 ay inaprubahan naman ng pamahalaan ang kahilingan ng mga airlines na ipagpatuloy ang kanilang international transit hub operations.
Lilimitahan ang international transit hub operations sa airside transfers sa pagitan ng Terminals 1 at 2 at sa loob ng Terminal 3 ng NAIA at para lamang sa mga biyahero na mula sa mga bansa at teritoryo na nasa Green List.
Ang mga biyahero na magpapakita ng sintomas ay dapat sumunod sa isolation at quarantine protocols at dapat sagutin ng kanilang airlines. (Daris Jose)
-
Ads April 20, 2022
-
World Cup: Germany talo sa Japan sa dalawang late goals
DOHA, Qatar — Nag-iskor ng late goal ang mga pamalit na sina Ritsu Doan at Takuma Asano noong Miyerkules upang bigyan ang Japan ng come-from-behind 2-1 na tagumpay laban sa Germany sa World Cup. Binigyan ni Ilkay Gündogan ang four-time champion Germany ng pangunguna sa first-half penalty. Ngunit si Doan, na naglalaro para sa […]
-
Luke 6:38
Give, and it will be given to you.