• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel time mula port area papuntang Valenzuela, 10 minutes na lang

TEN minutes na lang ang travel time galing sa Port Area papuntang NLEX-Valenzuela sa Bulacan dahil sa malapit ng matapos na North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 project.

 

“This will improve the movement of cargo between the Port Area and NLEX by shortening the travel time from the usual one hour to 10 minutes. Wow! This new access road will not only stimulate commerce and lead to greater development in CAMANAVA, but will also reduce the incidence of road accidents due to better road pavement and major traffic management control,” wika ni President Rodrigo Duterte.

 

Nagbigay ng mensahe ang Punong Ehekutibo nang pumunta siya sa inspection at presentation ng NLEX Harbor Link C3-R10 section noong nakaraang Linggo. Ayon pa rin sa kanya, ang mas magandang daloy ng paglalakbay sa lansangan ay isang malakas na indikasyon nang maunlad na isang pamayanan.

 

Sinigurado rin niya na ang kanyang pamahalaan ay patuloy na itataguyod ang mga road infrastructure development sa buong bansa upang mas mapaganda ang productive capacity ng ekonomiya at upang magkaroon ng maraming trabaho ang mga tao at mas magkaroon ng mataas na income at mapalakas ang investment climate parasa tuluy-tuloy na pag-unlad.

 

“We need to work together to ensure that the strides we have made and thebenefits of all our development efforts will be felt by all Filipinos. No one should be leftbehind or forgotten on the path to progress,” dagdag ni Duterte.
Tinawag din niyang isang milestone ang C3-R10 Section ng NLEX Harbor Link project sa Pilipinas sa panahon ng “golden age of infrastructure.” Inaasahang mabibigyan ng benepisyo ang mahigit kumulang na 30,000 na motorista kada araw ang bagong highway na ito.

 

Sa pagbubukas ng segment na ito ngayong Marso ay inaasahan din na mababawasan ang traffic congestion sa EDSA ng 30 percent at maaari pang maging 40 percent sa taong 2021.

 

Ang Harbor Link R-10 Section ay isang 2.6 kilometer extension mula sa C-3 Road sa Caloocan hanggang R-10 sa lungsod.

 

Samantala, ang isa pang infrastructure project na inaasahan din na makababawas ng malaki sa traffic congestion ay ang malapit ng matapos na Skyway Stage 3 project ng San Miguel Corp. (SMC) na daraan sa Makati, San Juan, Manila, Quezon City, hanggang sa NLEX na siyang magdurugtong sa South Luzon Expressway (SLEX).

 

“We are projecting the Skyway Stage 3 project to relieve EDSA of over 100,000 cars. Harbor Link will decongest the highway of 30,000 vehicles, most of which are trucks. Trucks are equivalent to almost five cars,” ayon naman kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar. (LASACMAR)

Other News
  • Japan ipinagmalaki ang mabisang gamot laban sa COVID-19

    IPINAGMALAKI ng kumpanyang Shionogi & Co Ltd. sa Japan na mayroong mabilis na epekto ang kanilang gamot laban sa COVID-19.     Ayon sa datus ng Japanese drug maker na mabilis nitong pinapagaling ang mga nagpositibo sa COVID-19.     Patuloy na ini-evaluate ng mga Japanese regulators ang nasabing S-217622 pill ng nasabing kumpanya.   […]

  • Wish na alagaan ng mananalo sa auction: PIA, handa nang i-let go ang ilan sa naipong memorabilias

    SINA Alden Richards at Ruru Madrid ang type na maging leading men ni Roxie kung sakaling magbida siya sa isang pelikula o teleserye.   Ayon sa Sparkle artist, pareho raw magaling umarte ang dalawa, bukod sa pagiging guwapo nila.   “I had a chance to work with Alden sa movie na ‘Five Breakups and a […]

  • WHO idineklarang ‘pandemic’ ang COVID-19

    SINABI ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagiging pandemic ng sakit.   Noong kasagsagan ng pagdami ng tinatamaan ng sakit na SARS hindi idineklara ng WHO na ito ay nasa pandemic level.   Huling ginamit ng WHO ang deklarasyon ng “pandemic” sa 2009 H1N1 o swine flu outbreak, pero binawi rin […]