• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRB pinahaba pa ang deadline ng cashless toll system

Pinalawig pa ng Toll Regulatory Board (TRB) na walang definite na deadline ang pagpapatupad ng cashless toll systems sa lahat ng expressways sa Metro Manila at labas ng Metro Manila.

 

Ayon sa TRB spokesman Julius Corpuz na ang transition period bago maging 100 percent ang cashless transaction ay mananatiling epektibo “until further notice.”

 

“This means cash payments will still be accepted, motorists without RFID tags will not be apprehended and RFID subscription and installation continues in many locations identified by the toll road operators,” wika ni Corpuz.

 

Pinalawig pa ang deadline at transition period dahil na rin upang mabigyan ng \

 

“The move is also aimed to give the toll operators more time to address some remaining system flaws or glitches, as well as improve their systems to maximize the benefits for the motorists of the RFID system,” dagdag ni Corpuz.

 

Noong nakaraang taon ay binigyan ng Department of Transportation (DOTr) na hanggang Nov. 12 ang pagpapatupad ng 100 percent cashless scheme sa lahat ng expressways. Subalit inilipat ito noong Dec. 1 upang bigyan pa rin ng tamang pagkakataon ang mga motorista upang maglagay ng RFID stickers.

 

Muli, upang masigurado ang pagkakaron ng efficient na implementasyon, ang DOTr at TRB ay nagbigay na naman ng panibagong deadline hanggang Jan. 11, 2021 na walang multa ang ipapataw sa mga motoristang walang RFID. Pinagutos rin na ang paglalagay ng mga RFID ay patuloy kahit na pagkatapos na ng transition period para sa mga non-frequent tollways users.

 

Sa nakaraang plano, sinabi ng DOTr na pagkatapos ng Jan.11 hindi lahat ng lanes sa toll gates ay gagawing stickering lane.

 

“Only one or two stickering lanes or one installation tent before entry at the toll gate would be assigned wherein RFID can be installed on vehicles,” saad ng DOTr.

 

Dagdag pa rin ng DOTr na sinabihan nila ang mga toll operators na dapat silang maglagay ng signages kung saan mayron stickering lanes upang malaman ng mga motoristang walang RFID kung saan sila pipila.

 

“They can be issued a ticket if they will line up in the RFID only lane, especially if they will cause delays to the vehicles behind them,” wika pa rin ng DOTr.

Samantala, nagbukas ng panibagong 42 radio frequency identification (RFID) installation stations ang San Miguel Corporation kung kayat mayroon ng kabuohang 95 ang kanilang installation sites sa Metro Manila.

 

May target naman ang SMC na makapaglagay pa ng 156 RFID installation stations hanggang noong nakaraang Dec. upang lumipat na sa cashless toll collections system na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

Ang SMC ay siyang namamahala sa South Luzon Expressway, Southern Tagalog Arterial Road, Skyway, NAIA Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

 

Kamakailang lamang, ang NLEX ay nagbukas ng kanilang cash lanes sa kanilang toll plazas sa mga expressway.

 

Sinabi naman ng SMC na mayron din silang isang cash lane kada toll plaza upang ang mga sasakyan na walang RFID stickers ay mapayagan pa rin pumasok at mabigyan ng Autosweep stickers at upang maiwasan ang pagsisikip ng traffic sa sa mga toll plazas. (LASACMAR)

Other News
  • Store owner arestado sa ilegal na refilling ng LPG

    KALABOSO ang isang umano’y may-ari ng illegal liquefied petroleum gas (LPG) refilling station matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Steven Joe Gervacio Lucas, 25, may-ari ng Marben Trading at residente ng Km 17, […]

  • Ads July 9, 2020

  • GARY, first time voter pa lang sa May 2022 national election dahil dating American citizen

    FIRST time voter si Mr. Pure Energy Gary Valenciano this coming May 9 elections.     May mga nabasa kaming comment asking kung bakit ngayon lang boboto si Gary.     So we asked his wife Angeli P. Valenciano why is he voting only now?     Ito ang sagot niya, “It was because he […]