TRICYCLE DRIVER BINARIL SA MUKHA
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
PINASOK sa loob ng kanilang bahay at malapitang pinagbabaril sa mukha sa harap mismo ng kanyang live-in partner ang isang tricycle driver hindi kilalang suspek subalit himala itong nakaligtas sa lamatayan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
“Parang may sa pusa, siyam yata ang buhay,” pahayag ni Malabon police homicide investigator P/MSgt. Julius Mabasa sa panayam sa kanya sa telepono matapos bisitahin si Albert Micabalo, 27 ng 21 Atis Road, Brgy. Potrero sa MCU hospital makaraang isugod ng kanyang live-in partner na si Shella Manjares.
Ayon kay Mabasa, alas-8:30 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima at kanyang bahay live-in parther nang sapilitang pasukin ng hindi kilalang gunman na nakasuot ng itim na t-shirt, bull cap at face mask saka walang sabi-sabing pinagbabaril sa mukha si Micabalo bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.
Sa pahayag ni Manjares at mga kaanak ni Micabalo kay Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy na walang kaaway ang biktima at hindi nila alam ang motibo sa pamamaril sa kanya.
Ani Mabasa na nagawa niyang makausap ang biktima bago siya sumailalim sa operasyon at sinabi sa kanya na ang tanging taong nakalaban niya ay isang babae sa kanilang barangay na nagkalat ng mapanirang-puri at mapanirang salita laban sa kanyang live-in partner.
Sinabi naman ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao na ang biktima at walang criminal record o nasangkot sa ilegal na aktibidad. (Richard Mesa)
-
Employment rate sa Pinas, tumaas ng 96% noong Agosto
TUMAAS ng 98% ang employment rate sa Pilipinas noong Agosto ngayong taon. Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nakapagtala ito ng 95.6% sa kaparehong buwan ng nakaraang taon. Sinabi ni Mapa na ang resulta ng pinakabagong labor force survey ay nagpapakita na ang employment rate noong Agosto ay mas mataas kaysa sa […]
-
Help protect free election, democracy
HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng media araw ng Huwebes na tumulong na tiyakin ang pagsasagawa ng malinis, tapat at transparent midterm elections sa susunod na taon at bantayan ang demokrasya ng bansa. Sa pagsasalita sa 50th Top Level Management Conference (TLMC) na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster the […]
-
Nagkakamabutihan na ba ang mga Kapuso stars?: BUBOY, nagba-blush at natataranta ‘pag natatanong si FAITH
NAGKAKAMABUTIHAN na ba sina Buboy Villar at Faith da Silva? Ito ang tanong na nagpa-blush kay Buboy at parang nataranta siyang naghanap ng isasagot tungkol sa kanilang ni Faith. Ayon kay Buboy, naging close daw sila ni Faith dahil sa pagsama nila sa musical-comedy segment ng All-Out Sundays. Minsan daw niyang […]