• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trike drivers mabibigyan din ng fuel subsidy

MAY HIGIT kumulang na 1.2 million na mga drivers ng tricycle ang maaaring mabigyan ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

 

 

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano sa isang panayam.

 

 

Inutusan ni Ano ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng listahan ng mga pangalan ng mga tricycle drivers at operators na magiging eligible sa nasabing programa ng fuel subsidy.

 

 

“More or less the estimate is about 1.2 million tricycle drivers. Some LGUs have already submitted their list of beneficiaries,” wika ni Ano.

 

 

Ang nasabing listahan ay ibibigay sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na silang naatasan na mamahagi ng fuel subsidy sa mga beneficiaries na naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng krudo at iba pang produktong petrolyo. Bawat isang beneficiary ay makakatangap ng one-time payment na P6,500.

 

 

Nabigyan na ng exemption ang petisyon na inihain ng LTFRB para sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga drivers at operators ng Commission on Elections (Comelec) subalit hindi pa rin maipagpatuloy ang programa sapagkat hinihintay pa ng LTFRB ang resolusyon na mangagaling sa Comelec.

 

 

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10747, ang mga ahensiya ng pamahalaan ay pinagbabawalan na mamigay ng mga cash assistance mula March 25 hanggang May 8 kung kayat naghain ng petisyon ang LTFRB para sa exemption.

 

 

Ayon sa Comelec, ang petisyon ay pinahintulutan subalit kailangan na sumailalim ang programa sa mahigpit na implementasyon.

 

 

“The LTFRB’s petition was granted but subject to strict implementation of the program as we would require the board to submit information on how the project will be implemented,” wika ni Comelec Commisisoner George Garcia.

 

 

Idiniin din ni Garcia na kailangan din malaman ng Comelec ang mga parameters ng implementasyon lalo na ang specific target beneficiaries at kung paano sila makakuha ng nasabing benipisyo.

 

 

“We also want to know the parameters of the implementation, specifically on the specific target beneficiaries and on how they intend to apply to avail themselves of the grants, among other conditions,” dagdag ni Garcia.

 

 

Ang mga nasabing kondisyon ay ilalagay sa ibibigay na resolusyon ng Comelec na inaasahang lalabas sa lalong madaling panahon.

 

 

Sinabi pa rin ni Garcia na madali ng mapapatupad ang implementasyon ng programa sa fuel subsidy basta nabigay na ang resolusyon mula sa Comelec na nagsasaad ng mga kondisyon sa implementasyon ng program.

 

 

Hinihintay na lamang ng LTFRB ang resolusyon na magmumula sa Comelec upang masimulang muli ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga PUV drivers at operators.

 

 

Habang hinihintay pa ang resolusyon, ang LTFRB naman sa ngayon ay nakikipagugnayan sa Land Bank of the Philippines (LBP) na siyang namamahagi ng cash subsidy upang tanggapin nila ang kanilang authority para madebit ito sa mga beneciaries.

 

“What we forwarded are news links of the Comelec’s announcement so that when the resolution finally gets released, the cash subsidy would only need to be credited immediately,” saad ni LTFRB executive director Cassion.

 

 

Samantala, pinuri naman nila Senators Grace Poe at Panfilo Lacson ang Comelec dahil sa desisyon nito at sa madaling aksyon na binigay ng Comelec. Hinimok naman ni Poe ang LTFRB na dapat siguraduhin na ang fuel subsidy ay talagang makakarating at maibibigay sa mga PUV drivers at operators. LASACMAR

Other News
  • Parehong masaya at nandyan sila para sa isa’t isa: MARKUS, naging open na sa estado ng relasyon nila ni JANELLA

    NAGING open na si Markus Paterson sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Janella Salvador.   Nagkaroon ng pagdududa ang marami na hiwalay na ang dalawa dahil no-show si Janella sa naging birthday celebration ni Markus noong June.   Sey ni Markus na ang importante ay pareho silang masaya ni Janella […]

  • Justin Brownlee, Jamie Malonzo binalik angas ng Ginebra Gin Kings

    STANDING TEAM W L Bay Area 10 2 Magnolia 9 2 Converge 8 3 Ginebra 8 3 NorthPort 6 6 Phoenix 6 6 SMB 5 5 Rain or Shine 5 6 Meralco 4 6 NLEX 4 7 TNT 4 7 Blackwater 3 9 Terrafirma 1 11   Mga laro sa Miyerkoles (PhilSports Arena, Pasig) 3 […]

  • Presyo ng tinapay posibleng tumaas sa mga susunod na linggo

    POSIBLENG sa mga susunod na mga linggo magkakaroon na ng mga paggalaw sa presyo ng mga tinapay.     Ayon kay Luisito Chavez ang director ng Assosasyon ng Panaderong Pilipino, na ito ay dahil sa ilang paggalaw din sa presyo ng mga sangkap na paggawa ng mga tinapay.     Isa sa tinukoy nito ay […]