Trip sa Europe ng Congressman, siya mismo ang gagastos: SYLVIA, pinagbigyan ang dasal na magandang panahon sa kasal nina ARJO at MAINE
- Published on August 3, 2023
- by @peoplesbalita
SA FB at IG post ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, ibinahagi niya ang maikling video na kung saan makikita ang bonggang chapel na pinagkasalan nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Naging maaliwalas nga ang panahon nang maganap ang pag-iisang dibdib noong Biyernes, July 28, sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel na matatagpuan sa Baguio City, Benguet.
Kasagsagan ng Bagyong Egay nang umakyat sa Baguio City ang pamilya ng Atayde at Mendoza, kaya naman halos lahat ay nagdarasal na sana’y humina, kung hindi man tumigil ang ulan dahil sa bagyo at habagat.
Kaya naman inamin ni Sylvia, kinausap talaga niya ang Diyos, na sana’y mapagbigyan ang kanilang mga dasal at maging maayos ang pagpapakasal nina Arjo at Maine.
Sa simula ng kanyang post, “July 26, 2023 ang lakas ng bagyo pero hindi ako kabado.
“July 27, 2023 ang lakas pa din ng ulan pero hindi pa din ako kabado.
“July 27, tinext ko si Maine, ‘Love you Maine…”
Ay sinagot naman daw siya ng, ‘Love you titaaa… sana po maging ok lahat tomorrow.’
At sinabi ng kanyang mother-in-law ng, ‘Magiging ok yan Maine.”
At totoo nga ang nangyari, humina ang ulan, lumiwanag ang kalangitan, kaya nasilayan ang magandang tanawin sa Alphaland, habang ikinakasal nina Arjo at Maine, na na-witness na kanilang pamilya, mga ninong at ninong at kanilang wedding entourage.
Pati sa reception ginanap naman sa Baguio Country Club ay mahina na lang ang ulan, at hanggang matapos sa madaling araw, ay ambon-ambon na lang.
Kaya naman nag-enjoy ang mga bisita na almost 400 (na walang nag-positive kahit isa sa antigen), na mapayapang nakarating sa Baguio City, sa kabila ng sinuong na bagyo.
Dagdag pa ni Sylvia, “Ang dami daming nagdadasal.
“For the nth time pinatunayan ng DIYOS na sya ang DIYOS na makapangyarihan sa lahat, mapagmahal at walang imposible sa KANYA.
“July 28,2023. Mismong araw ng kasal nina ARJO at MAINE.
Heto po ang panahon. (na makikita nga sa video)
“Maraming, maraming, maraming salamat po
PANGINOONG JESUS.
Matthew 8:23-27 #Faith
“Naniniwala akong mas malakas ang DIYOS ko kesa sa Bagyo mas malakas SIYA kaninuman!!! #ataydemendoza
“Happy morning everyone,” pagtatapos pa ng aktres.
Sobra ngang overwhelmed ang bagong kasal na sina Arjo at Maine sa attendance ng mga guest na halos 12 lang daw ang hindi nakarating.
Hindi rin sila tumanggap ng anumang regalo dahil mayroon silang donation drive na kung saan ang makukuha nilang donasyon ay gagamitin nila para sa indigenous groups sa Luzon na sina Arjo at Maine mismo ang magbibigay ng tulong.
Pinupuri naman ng netizens ang prenup video ng dalawa na kinunan ni Bob Nicolas at dapat ding abangan ang wedding video na anytime now ay i-upload na rin ng mag-asawa.
Samantala, balik-taping na si Sylvia para sa upcoming series na “Senior High” ng Dreamscape Entertainment, na pinagbibidahan ng mga teen stars na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Elijah Canlas.
Makakasama nila ang former child actors na sina Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, at Juan Karlos Labajo.
Featuring din sa “Senior High” sina Daniela Stranner, Miggy Jimenez, Gela Atayde, at Tommy Alejandrino. Kasama rin para magbigay ng suporta sina Angel Aquino, Baron Geisler, at Mon Confiado.
At base sa two-minute teaser, gaganap na security guard si Sylvia, na tiyak na magkakaroon ng kaugnayan sa mga bida ng “Senior High” na inaabangan na kung kailan ito ipalalabas.
Sina Arjo at Maine naman ay pumunta ng Bali, Indonesia, ilang araw after ng kanilang kasal para dumalo sila sa destination wedding nina Maja Salvador at Rambo Nunez na ginanap noong July 31, 2023.
Anytime ay babalik na ang mag-asawa dahil this weekend naman, pupunta sila kasama ang grupo nina Sylvia (Nathan Studios, na isa sa producer ng “Topakk”) sa Switzerland, para sa world premiere ng action thriller sa 76th Locarno Film Festival.
Mula ito sa direksyon ni Richard Somes, na isa sa recipients ng FDCP’s CreatePHFilms Large Budget Production Fund in 2021.
Kasama ni Arjo sina Sid Lucero at Julia Montes sa “Topakk” na last May ay nagkaroon ito ng gala screening sa Cannes’ Marché du Film Fantastic Pavilion.
At dahil papunta nga sila sa Europe sa August 5, isasabay na rin ang honeymoon nina Arjo at Maine, na kung saan balitang bukod sa Switzerland ay pupunta rin ang mag-asawa sa kalapit na bansa, kaya hanggang August 27 sila sa Europa.
Doon na rin magtatrabaho ang actor-politician sa pamamagitan ng remote set-up. Binigyan naman ng pahintulot si Cong. Arjo ng Kongreso na mabisita ang Filipino communities sa Italy at Greece.
Malinaw din na hindi humingi ng anumang pundo si Cong. Atayde, kaya siya mismo ang gagastos sa trip nila papuntang Europe.
(ROHN ROMULO)
-
AHENSIYA NG BI, NAKAKOLEKTA NG P5.9 BILYON SA KABILA NG PANDEMYA
SA kabila ng naranasang pandemya, ipinagmalaki ng Bureau of Immigration (BI) na nakakolekta pa rin ang ahensiya ng P5.9 bilyon noong 2020. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang kabuuang kinita nila noong nakaraang taon mula sa mga immigration fees at P5,88 bilyon , 36.1 % na mas mababa kumpara sa P9.3 […]
-
DOTr: BBM pinalawig ang libreng sakay sa EDSA Carousel
BINIGYAN ng go-signal ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpapatuloy ng libreng sakay sa EDSA Carousel bus rides hanggang katapusan ng taon. Pinalawig pa ang pagbibigay ng libreng sakay upang mabawasan ang nararanasan na financial burden ng mga consumers mula sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil […]
-
PBBM, pinarangalan ang mga sundalo sa naging pagbisita sa SOLCOM camp
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay parangal sa mga sundalo mula sa Southern Luzon Command (SOLCOM) para sa kanilang mga accomplishments o mga nagawa sa anti-insurgency campaign at disaster response. “First of all, I would like to congratulate the awardees. We have just given the gold crosses, silver crosses, […]