Truck driver at helper, kinasuhan sa pagmamaniobra ng palitan ng manok
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang indibidwal na responsible sa pagpapalit ng mga buhay na mga manok na nagresulta sa pagkakalugi ng mahigit P200K ng isang poultry company.
Kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in Relation to Article 310 of the Revised Penal Code ang isinampang kaso laban kina Ruel Torres Barredo at Wilfredo Cruz habang kina Ryan Santos at Reynante Dechosa, truck driver at helper sa truck na ginamit na decoy na pinaghahanap pa sa kasalukuyan ay nahaharap din sa kahalintulad na kaso.
Ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ng Foster Foods Inc (FFI) , isang kumpanya ng poultry products at may iba’t-ibang farm at planta sa Luzon kung saan napansin nila ang pagkakaiba ng timbang ng mga buhay na manok mula sa kanilang farms at timbang ng buhay na manok na natatanggap nila sa kanilang mga planta
Modus operandi ng mga suspek ay pagpapalitin ang mga premium sized na manok na galing sa kumpanya sa mas mabababang timbang ng manok na kinukuha sa Hermosa, Bataan.
Inireport ng kumpanya sa NBI dahilan upang magsagawa ng entrapment operation.
Una ay, nagpadala ng escort ang Riverview Farm upang mag-monitor sa biyahe ng kanilang dalawang trucks na may laman na buhay na manok gayunman, hindi umano nila nasundan ang isa nilang truck.
Pero iniulat na nagsabay din ang dalawang truck sa tulay malapit sa Pulilan exit bago bumalik sa FFI.kaya humingi sila ng magsusupevise para sa unloading ng mga manok
Lumalabas na mayroong pakikialam sa truck GPS safety seal at padlock nito gayundin ang pakikialam sa GPS report.
Mayroon din pagbabago sa timbang ng mga buhay na manok. Lumalabas na sa mga ikinakarga sa truck ay tumitimbang ng 4,191.23 kilograms pero sa truck scale ticket ang timabang ng manok ay 3,460 kilograms kaya lumalabas na mayroon pagkakaiba na 731.23 kilograms o kabuuan na damage loss na P167,451.67
Nang kinompronta ang driver at helper na si Barredo at Vicente, inamin nila na ipinalit nila ang 520 na mga premium -sized na manok sa maliliit sa isang lugar sa Hermosa. Bataan kung saan tumanggap sila ng halagang P26,000 sa nasabing transaksiyon habang sina Marvin at Ian ang nag-tamper ng padlock. GENE ADSUARA
-
Sa kanyang pagbabalik sa GMA Primetime… KYLIE, ramdam na mas proud kesa ma-pressure sa ‘Bolera’
BALIK-PRIMETIME ang Kapuso actress na si Kylie Padilla. At more than napi-pressure raw, mas sobrang proud daw ang nararamdaman niya sa kanyang comeback, ang Bolera. Sey ni Kylie, “Sobrang proud kasi talaga ako sa serye na ito. It’s subject is good, even more no’ng pinapanood ko na siya. Sobrang saya ng […]
-
Sinorpresa ang lahat sa kanilang announcement: MIKAEL, nagkatotoo ang hula na magkaka-baby na sila ni MEGAN
NAGKATOTOO ang saju reading noon kay Running Man PH cast member Mikael Daez na magkaka-baby sila ng misis na si Megan Young. Sinorpresa ng Daez couple ang lahat sa announcement nila sa social media noong Biyernes, December 6, na ipinagbubuntis na ni Megan ang kanilang anak. Sa episode ng Running Man […]
-
Ads May 24, 2024