• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Truck driver na nakapatay sa mag-ina, inaming nakagamit ng droga

Patay ang isang vendor ng pakwan at ang sanggol niyang anak, habang 12 ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang tatlong sasakyan at isang tindahan sa Quirino Highway sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan, kamakalawa.

 

Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Del Monte Police, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber ng truck na si Zander Herrere Sena sa pakurba at palusong na bahagi ng kalsada.

 

Dahilan ito para magdire-diretso ang sasakyan sa mga tindahan sa gilid ng kalsada.

 

Napuruhan ang namatay na si Michelle Ramos at ang 3 buwan pa lang na anak na nagbabantay lang ng tindahan nang mangyari ang aksidente.

 

Nahagip din ang bahagi ng bahay ng residenteng si Dang Abaloyan pero galos lang sa paa at kamay ang kanyang tinamo.

 

Samantala, inamin ng driver ng truck na umararo sa ilang mga kabahayan na nagbunsod sa pagkasawi ng mag-ina sa Bulacan na ito ay gumagamit ng iligal na droga.

 

Ayon sa driver na si Eliazar Lumawag, na bukod sa nakagamit ito ng droga ay nawalan ng preno ang minamaneho nitong truck na pinagkargahan ng backhoe.

 

Dahil dito ay iniwasan niya ang jeep sa harapan niya kaya namali ito sa kanyang napasukan sa Barangay Santo Cristo, San Jose del Monte, Bulacan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 29, 2023

  • 49th MMFF Parade of Stars sinimulan sa Navotas

    SINIMULAN ang kick-off program sa Navotas Centennial Park ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars na gaganapin sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) sa pangunguna nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes at Navotas Mayor John Rey Tiangco, kasama ang mga sikat na artistang gumaganap sa sampung pelikulang kalahok sa […]

  • Ads December 12, 2022