Truck driver pinagbabaril sa harap ng kainuman
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
NASA malubhang kalagayan ang isang 44-anyos na truck driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang mga kainuman sa Malabon City, kahapon ng hating gabi.
Inoobserbahan sa MCU Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso at kanang hita ang biktimang si Rodjie Javinar, 44 ng M Adalia St. Brgy. Longos.
Sa imbestigasyon ni PMSg Julius Mabasa, alas-12:10 ng hating gabi, kainuman ng biktima ang kanyang dalawang kaibigan na si Alyas “Toothpick” at alyas “Rolando” sa Adalia St. nang dumating ang suspek at sunud- sunod na pinaputukan ang biktima habang kumarimas naman ng takbo ang kanyang mga kainuman para sa kanilang kaligtasan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang dinala naman ng kanyang mga kaanak ang biktima sa naturang hospital.
Ani Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, patuloy ang follow-up imbestigasyon ng kanyang mga tauhan sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inalaam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
DepEd, nakahanap ng solusyon sa SHS grad employability sa pamamagitan ng MATATAG agenda
SINABI ng Department of Education (DepEd) na layon nito na tugunan ang isyu ukol sa employability o kakayahang magtrabaho ng K-12 graduates sa pamamagitan ng MATATAG education agenda nito. Ang pahayag na ito ni DepEd spokesperson Michael Poa ay tugon sa kamakailan lamang na ipinalabas na ulat ng Commission on Human Rights (CHR) […]
-
Pia, nakausap na si Sarah at nagka-ayos na sila
KAYA pala panay na ang post ni Sarah Wurtzbach – Manze na ‘stop hating Pia’ dahil nagka-usap at nagka-ayos na sila ng kapatid na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Ang pinagkaka-diskitahan naman ngayon ng batang Wurtzbach ay ang nanay nilang si Gng. Chery Alonzo – Tyndall sa pamamagitan ng Question and Answer mula […]
-
MMDA: Sariling coding schemes puwedeng ipatupad ng mga LGUs
SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit mayroon ng Metro Manila Traffic Code, ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa rin na magpatupad ng kanilang sariling regulasyon sa trapiko. Isa na rito ang regulasyonsa coding scheme na nagbabawal sa mga sasakyan na dumaan sa mga pangunahing lansangan depende sa […]