• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsina, ayaw tanggapin ang ‘unilateral’ claim ng Pinas sa UN ukol sa ‘extended continental shelf’

AYAW tanggapin ng Tsina ang pagsusumite ng Pilipinas sa United Nations (UN) body ng kahilingan na palawakin ang continental shelf nito sa West Philippine Sea para “explore and exploit” ang mga likas na yaman doon.

 

 

Sa isang press conference, araw ng Lunes, Hunyo 17, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian na hindi lingid sa kaalaman ng Beijing ang nasabing “unilateral submission” at “we are trying to get more information on this.”

 

 

“The Philippines’ unilateral submission on the extent of its undersea shelf in the South China Sea infringes on China’s sovereign rights and jurisdiction, violates international law, including the United Nations Convention on the Law of the Sea, and goes against the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea,”diing pahayag ni Lin.

 

 

Kumbinsido si Lin na hindi iku-kuwalipikado ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf (CLCS) ang unilateral submission dahil sa umiiral na territorial at maritime disputes na kinahaharap ng Pilipinas sa Tsina.

 

 

“Pursuant to the rules of procedure of the UN Commission on the Limits of the Continental Shelf, the Commission will not consider or qualify the submission by the Philippines if it involves delimitation of disputed waters,” ayon kay Lin.

 

 

Nito lamang weekend, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsumite ito ng impormasyon ukol sa extended continental shelf (ECS) sa West Philippine Sea partikular na sa western Palawan region, sa UN body.

 

 

Ang unilateral submission ay base sa karapatan ng bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), iginiit ng DFA, pahintulutan ang Pilipinas “to explore the seabed and subsoil beyond its 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ).”

 

 

“UNCLOS allows a coastal state to extend the outer limits of its continental shelf to a maximum of 350 nautical miles from the baseline of its territorial sea, and grants states sovereign rights over natural resources found on or beneath the shelf,” ayon sa ulat.

 

 

Kabilang na rito ang “minerals, organisms, at nonliving matters” sa seabed o subsoil.

 

 

Kapag pinagkalooban ng sovereign rights ukol sa ECS, ang Pilipinas ay magkakaroon ng exclusive rights para i- explore at 1-exploit ang lugar at hindi papayagan ang ibang bansa na gumawa ng mga bagay na walang pahintulot o permiso mula sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Get Ready for Tim Burton’s “Beetlejuice Beetlejuice” – New Trailer Released!

    TIM Burton, the creative genius behind some of the most visually stunning and imaginative films, has once again summoned Beetlejuice to the screen. Michael Keaton reprises his iconic role as the mischievous demon in “Beetlejuice Beetlejuice,” joined by returning cast members Wynona Ryder and Catherine O’Hara. Adding fresh faces to the cast are Jenna Ortega […]

  • Sinuportahan din ang movie nina Alden: HEART, pina-follow na rin sa IG si MARIAN at mukhang nagkaayos na

    HINDI magiging big deal ang ini-upload na video ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram account kung walang lumantad at nagki-claim na naging lover at anak ni Francis Magalona ang 15 year old niyang anak.     Ang saya-saya ni Maxene sa video habang nagda-drive ang Papa niya na si Francis M at nagra-rap na nabanggit […]

  • Ho nagpaalala sa bakuna

    TINAGUBILINAN ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Gretchen Ho ang publiko hinggil sa mainit ngayong isyu sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) at ang patuloy pa ring pagsirit ng pandemya sa bansa.     Aniya kamakalawa, bago paghinalaan ang iniksiyon para sa pandemic at kumuda ang mga nagmamagaling, dapat alamin kung saan ito […]