• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsina, hindi magdadala ng giyera, kolonisasyon sa Pinas- envoy

TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang  Tsina sa Pilipinas.

 

 

Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon  at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon.

 

 

Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas na usapin ukol sa  South China Sea, naniniwala si Huang na normal lamang para sa dalawang bansa ang magkaroon ng differences o hindi pagkakaintindiha kahit pa ‘neighbors’ pa ang  mga ito.

 

 

“But the key for this is to “place differences in the proper position of China-Philippines relations” as well as “not let them affect or even sabotage the overall situation of the relations between the two countries.”ayon kay Huang.

 

 

Sa Pandesal Forum, nagbigay ng kasiguraduhan si  Huang na bahagi ng peaceful development sa Tsina ay ang  i-promote ang pagsisikap ng Tsina at Pilipinas na kapit-bisig na panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

 

“China and the Philippines are good neighbors, good relatives, and good partners, and traditional friendship has a long history,” ayon kay Huang.  (Daris Jose)

Other News
  • Jeepney group humihingi ng P5 fare hike

    ISANG  grupo ng mga jeepney operators at drivers ang humingi ng tulong sa pamahalaan na payagan silang magtaas ng pamasahe ng P5 sa mga public utility jeepneys (PUJs).     Ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ay naghain ng isang petition para sa fare hike ng mga PUJs sa […]

  • Epal, bawal sa community pantry-Año

    HINDI papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ‘epal’ na politiko o indibiduwal na gustong pumapel sa community pantry.   Sa Talk To The People ni Pangulog Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kailangang magpatupad ang mga organizers ng cmmunity pantry ng […]

  • PBBM, nakipagpulong sa BARMM governors para pag-usapan ang kapayapaan at kasaganahan — PCO

    NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga gobernador ng Bangsamoro region para talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa daan patungo sa kapayapaan at kasagaan sa autonomous area.   Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) The PCO, kasama ng Pangulo sa naturang pagpupulong sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. […]