Tsinoy na ayaw magbayad ng hotel bills, nagwala sa Quezon City, hinabol hanggang Maynila
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Isang Tsinoy na hindi na nagbayad ng kanyang hotel bills at nagwala pa , ang naaresto ng mga awtoridad sa isang hot pursuit operation na nagmula sa Quezon City at umabot pa sa Maynila, kahapon ng umaga.
Nakilalang ang nadakip na si Arvin Chua Tan, 46, ng New Manila, Quezon City, na kasalukuyan nang nakapiit sa Kamuning Police Station 10 (PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD).
Dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang hotel na matatagpuan sa Timog Ave., Brgy. South Triangle, Quezon City.
Batay sa reklamo ni Catherine Pelaez Silva, 40, branch manager ng hotel, nabatid na dakong alas-11: 00 ng gabi ng Hulyo 12 ay nag-check-in sa kanilang establisimyento ang suspek.
Kahapon ay nag-check out umano ang suspek ngunit tumangging magbayad ng kaniyang bill. Nagulat pa umano ang mga staff ng hotel na sa halip magbayad ng bill ang suspek ay galit pa itong nanghihingi ng halagang P20,000 sa kanila sa hindi malamang dahilan at nagpakilalang empleyado ng DILG.
Kaagad namang rumesponde ang mga pulis ngunit sa kasagsagan ng komprontasyon ay mabilis na sumakay si Tan sa nakaparada niyang itim na BMW na nasa parking lot ng hotel, at saka ito pinaharurot palayo sa lugar.
Binangga pa umano nito ang nakaparadang mobile car ng mga pulis, maging ang NMAX motorcycle na sinasakyan ng isa pang alagad ng batas. Umabot pa ang ‘hot pursuit operation’ sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue, kanto ng Nicanor Reyes St., sa Maynila kung saan nakorner ang suspek at tuluyang naaresto.
Inihahanda na ng mga pulis ang mga kasong estafa, resistance and disobedience to a person in authority at multiple damage to property na isasampa laban sa kanya sa piskalya. (Gene Adsuara)
-
Mga nakumpiskang white onions, hindi na ibebenta ng Department of Agriculture
INIULAT ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nito isaalang-alang pa ang pagbebenta ng mga nakumpiskang puting sibuyas sa mga stalls ng Kadiwa dahil sa mga health and sanitary concerns. Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez tinanggal na nila ang nasabing option. Noong unang bahagi ng linggong ito, sinabi […]
-
Gov’t agencies pumirma sa memorandum para sa COVID vaccine mass importation at local production
Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang nabuong joint memorandum circular ng ilang ahensiya ng gobyerno para mapabilis ang importasyon ng COVID-19 vaccines at maging ang manufacturing. Ayon sa kalihim, may malaking impact daw ang naturang kasunduan sa ekonomiya ng bansa dahil makikinabang dito ang business sector. Sinabi pa ni […]
-
Nag-file na sila ng complaint sa isang whisky brand: BOY2, nag-warning sa gumagamit ng photo ng lolo na si DOLPHY
NAGLABAS ng warning si Boy2 Quizon sa isang local whisky brand na ginagamit ang photo ng kanyang lolo na si Dolphy Quizon para mabenta ang naturang produkto sa social media. Sa pamamagitan ng Instagram Stories, nilinaw ni Boy2 na walang ine-endorse na anumang produkto ang kanilang pamilya na gamit pa ang imahe ng […]