Tsukii, Didal sumikwat ng medalya
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
Humirit ng medalya sina Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii at Asian Games skating gold medalist Margielyn Didal sa kani-kanyang international tournaments.
Ginulantang ni Tsukii si World No. 6 Valeria Kumizaki ng Serbia upang masikwat ang ginto women’s -55 kgs. sa isang pocket tournament sa Arandelovac, Serbia.
Sa kabilang banda, nagkasya sa pilak na medalya si Didal sa Madrid Urban Sports Tournament na isang virtual event para sa skateboarding.
Lumasap ang World No. 14 na si Didal ng 0-5 upset loss kay World No. 43 Nanaka Fujisawa ng Japan sa championship round ng event.
Pumabor sa Japanese bet ang lahat ng limang huradong sina Anthony Claravall, Danny Wainwright, Jesus Fernandez, Vanessa Torres at Alex Braza para makuha nito ang ginto.
Nakapasok sa finals si Didal nang payukuin nito sina World No. 28 Marina Gabriela sa first round at World No. 8 Gabriela Mazetto sa semifinals.
Nanaig naman si Fujisawa kina World No. 5 Candy Jacobs at World No. 2 Rayssa Leal para makahirit ng puwesto sa gold-medal match.
Parehong naghahabol sina Tsukii at Didal na makahirit ng tiket sa Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.
-
Pinas nasa ‘minimal risk’ na
Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic makaraang ilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘minimal risk’ ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ‘avegare daily attack rate’ ng bansa mula […]
-
Steve Carell reunites with writer-director John Krasinski as the fun and cuddly Blue in “IF”
IFs, or imaginary friends, can take as many forms as a child’s boundless imagination. IF writer-director John Krasinski took note of this while creating the IFs for the family adventure-comedy, and for the role of the loveable Blue, Kransinski decided that it’s the perfect opportunity to reunite with fellow The Office actor, Steve Carell. […]
-
2023 FIBA World Cup plan inilatag ng SBP
PUSPUSAN na ang paghahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon. Inilatag ng SBP ang lahat ng plano nito para sa World Cup na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 kung saan makakatuwang […]