‘Tuition hike, asahan sa mga unibesidad at kolehiyo sa bansa’ – CHEd
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
Inilatag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Aldrin Darilag ang posibleng kaharapin na hamon ng mga estudyante at kanilang mga magulang dulot ng coronavirus pandemic.
Ito’y dahil na rin sa biglang pagbaba ng mga estudyanteng nag-enroll sa susunod na semester pati na rin ang malaking pagkalugi ng mga private higher education institutions.
Sa isinagawang Senate committee hearing on Sustainable Development Goals, bukod pa sa mga nabanggit na problema ay maaari ring tanggalin ang mga part-time at non-regular faculty members.
Nababahala rin umano si Darilag kung papaano mapapanatiling konektado ang guro at kaniyang mga estudyante upang makapag-aral maging ang gagastusin para mapanatili ito.
Malaking adjustment din para sa magkabilang-panig ang biglang transition sa flexible learning modalities tulad ng technology-mediated at blended learning.
Hindi raw kasi kasama sa pondo ng CHED ang kahit anong capital outlay at hindi rin maisasama sa kanilang request ang pagbili ng mga ICT-related outlay maging ang mga learning equipment tulad ng Brightspace o Blackboard.
Dahil dito ay umapela si Darilag sa Senado na tulungan ang ahensya na matugunan ang kinakailangang financial requirement.
Una nang kinumpirma ni President Rodrigo Duterte na inatasan nito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at CHEd para sa pamimigay ng libreng WiFi sa mga eskwelahan. (Daris Jose)
-
KRIS, sinorpresa ng simpleng pa-birthday si MILES at binukong may ‘pinagdadaanan’
MAGKASUNOD na may binigyan ng simple na surprise pa-birthday si Kris Aquino. Una na ang kanyang loyal and trusted P.A. na si Alvin Gagui at ang itinuturing na babaeng anak na si Miles Ocampo. Base sa video, natulog o nag-stay si Miles sa kanyang “Nanay Kris.” Hindi lang kami sure kung […]
-
NORA, isa sa apat na artistang gagawaran ng ‘Gawad Dekada’; fans ni Cong. Vi nag-react dahil ‘di kasama ang kanilang idolo
APAT na artista lang ang gagawaran ng Gawad Dekada ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino for the period 2010-2020. Ito ay sina John Lloyd Cruz, Ms. Nora Aunor, Angeli Bayani, at Alessandra de Rossi. Sila lang ang napili ng mga supladang kasapi ng Manunuri na deserving of the Gawad Dekada. […]
-
Willy, balitang sumama ang loob sa ‘di pagtanggap ng offer: HERLENE, magti-taping na ng first teleserye sa GMA after ng beauty pageant
KUNG meron palang isa sa kinagigiliwang panoorin ang mga netizens sa reality game show na “Running Man Philippines” kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar, si Buboy iyon. Sabi ng isang netizen, “paborito ko siyang agent among the seven, sa kabila kasi […]