Tulad ng pagsasama nina Anne at Erwann: JASMINE, going strong ang relasyon sa boyfriend na si JEFF
- Published on February 27, 2024
- by @peoplesbalita
NANG nakausap namin si Jasmine Curtis-Smith kamakailan, sinabi namin sa kanya na mukhang sila ng ate niya ang sisira sa “sumpa” ng hiwalayan dahil tulad nina Jasmine at boyfriend niyang si Jeff Ortega ay going strong rin ang pagsasama ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff.
“Yes, amen, stop the cycle,” ang tumatawang pagsang-ayon sa amin ni Jasmine.
Sa tanong naman namin kay Jasmine kung kanino siya mas nalungkot, sa breakup ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) o BeaDom (Bea Alonzo at Dominic Roque)…
“Oh my God! Wala ako diyan! Pass,” at muling tumawa si Jasmine.
Tulad ng ibang couples, normal lamang na nagkakaroon sila ni Jeff ng hindi pagkakaunawaan; paano nila iyon inaayos?
“Siyempre minsan diretso ng tanung-tanong, confront-confront,” lahad ni Jasmine, “pero may mga times that if that doesn’t work, so ako yung nagko-confront, siya yung tahimik, ‘Sige, sige.’
“Hahayaan niya akong maglabas, kumuda nang kumuda, then hanggang mag-chill na ako, chill na kami pareho, minsan pag-uusapan pa, minsan hindi na kailangan.
“Kasi parang pareho ng, ‘Gets mo na kung saan ka mali.’ ‘Gets mo na kung saan ka petty.’
“Mature enough na tayo to own up. Di ba?”
Samantala, bukod sa masayang lovelife, umaariba rin ang showbiz career ni Jasmine both sa TV at movies.
Top-rater ang ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na pinagbibidahang serye ni Jasmine sa GMA with Rayver Cruz, Martin del Rosario, Liezel Lopez at Joem Bascon, at sa darating na March 6 ay ipapalabas naman sa mga sinehan ang ‘A Glimpse of Forever’ nina Jasmine, Diego Loyzaga at Jerome Ponce, sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, under Viva Films.
***
SPEAKING of hiwalayan, hindi rin alitana ni JC de Vera kung tila trend ngayon ang breakup at split up ng mga magkasintahan at mag-asawa.
Basta sila raw ng misis niyang si Rikkah Cruz, very strong, very happy!
“My life right now is very balanced. Kapag walang trabaho, sa bahay lang with my family. Life is simple. Not so much happenings,” lahad ni JC.
“Nandun lang ako sa bahay, kasama yung pamilya ko, and then nag-spend time together with them.”
Kung tutuusin, malaking factor na hindi artista ang misis ni JC kaya less intriga at tsismis.
“Very confident ako, and I know nasa magandang position ako ngayon, in terms of yun nga, yung relationship with my family. Yeah! I’m very much okay.
Nakangiting dagdag pa ni JC, “I have the best wife ever. Very, very supportive and wala, best partner for life. Kasi iniintindi niya talaga lahat, and patuloy lang na inaalagaan yung family namin.”
Si JC, parang si Jasmine Curtis Smith rin, okay ang personal life, ratsada rin ang showbiz career. Incidentally, magkatapat ang mga pelikula nila sa mga sinehan sa March 6.
Showing rin ang pelikula ni JC na ‘Apo Hapon: A Love Story’ na isa na namang obra ng direktor na si Joel Lamangan.
Leading lady ni JC ang Japanese model-turned-actress na si Sakura Akiyoshi sa pelikula kung saan cast mebers rin sina Fumiya Sankai ng PBB at Nella Dizon na beauty queen na anak ni Allen Dizon.
Nasa pelikula rin ang Kapuso actress na si Lianne Valentin at Kapuso actor na si Prince Clemente at sina Rico Barrera, Jim Pembanco at Marcus Madrigal
Produced ito ng GK Productions at line produced ni Dennis Evangelista.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Kelot na tumangay sa bag ng ginang, arestado sa Valenzuela
ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PLt Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 ng Balubaran, Brgy., Malinta ng lungsod na nangagarap sa kasong Theft. Ayon sa […]
-
Babala ng DA: bawang, sibuyas at asin, kulang
SINABI ng Department of Agriculture (DA) na hindi kakayanin ng local farm output ng bawang, sibuyas at asin na ma-meet ang inaasahang demand hanggang sa huling quarter ng taon. Lumabas kasi sa huling pagtataya ng Department of Agriculture (DA) at attached agencies nito na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Bureau […]
-
Omicron wala pa rin sa Pinas – DOH
Wala pa ring natutukoy na Omicron Covid-19 variant sa Pilipinas, batay sa pinakahuling whole genome sequencing na isinagawa nitong Miyerkules. Sa 48 samples na isinailalim sa sequencing, 38 o 79.17% ang Delta variant o B.1.617.2 habang ang iba pa ay non-VOC lineages o walang lineages na natukoy. Ayon sa DOH, ang […]