• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak isinelda sa P500K shabu sa Caloocan

MAHIGIT P.5 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng ilegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) matapos matimbog sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Tyrone Dimaano alyas “Bubu”, 27 ng No. 46 G, Barangay Balon Bato, Dimaano Compound, Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, dakong alas-3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy bust operation na may coordination sa PDEA-RONCR sa Calle Kwatro, Brgy. 81, Caloocan City.

 

 

Isang undecover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P8,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P544,000.00; at buy bust money na isang P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr ang Caloocan CPS sa kanilang matagumampay na drug operation habang mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Maliksi pumirmi sa Meralco

    MAGPAPATULOY para sa Meralco ang pagseserbisyo ni veteran swingman Allein Maliksi para sa darating 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa umpisa sa Abril 9.     Nabatid kamakalawa kay veteran players agent Danny Espiritu, na lumagda ng bagong kontrata ang four-time PBA champion at incoming 10-year pro veteran kasama ang nagbalik team […]

  • Pandemic fatigue, ugat ng dumaraming quarantine violators – NTF

    Aminado ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na isa sa malaking challenge ngayon ang nararanasang pandemic fatigue.     Ayon kay NTF spokesman retired MGen. Restituto Padilla, ito ang kadalasang rason ng mga nahuhuling quarantine violators, lalo na sa mga mass gathering.     Aniya, nauunawaan nila ang ganung pakiramdam, lalo’t dalawang taon na […]

  • PBBM, isiniwalat ang government measures para kontrolin ang presyo ng elektrisidad

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang plano at estratehiya ng gobyerno para patamlayin ang presyo ng kuryente sa gitna ng kasalukuyang mataas na demand ng elektrisidad.     Sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Pikit, Cotabato, na walang artificial crisis sa power sector. Ang meron aniya ang bansa […]