• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TULAK NALAMBAT SA P1.1 MILYON SHABU SA DAGAT SA NAVOTAS

NALAMBAT ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Navotas City ang isa umanong drug dealer na gumagamit ng bangka sa paglalako niya ng illegal na droga, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rudy Las Piñas, 40, ng 554 B. Cruz St. Brgy. Tangos North.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Navotas police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa mga mangingisda sa lugar na nakatuklas hinggil sa umano’y illegal drug trade ni Las Piñas.

 

 

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr. ang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Pulo, Brgy. Tanza 1 dakong alas-4:36 ng hapon kung saan nagawang makipagtransaksyon ni P/Cpl. Glenn Ocampo na umakto bilang poseur-buyer ng P1,000 halaga ng shabu sa suspek na sakay ng maliit na bangka.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Narekober ng mga operatiba sa suspek ang tinatayang nasa 174 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 1,183,200.00, isang caliber .32 pistol na may magazine at kargado ng anim na bala, digital weighing scale, mobile phone, maliit na notebook, itim na timba, buy bust money, P1,500 cash at ang maliit na bangka na gamit umano niya sa pagbebenta ng illegal droga.

 

 

Si Las Piñas ay iprinisinta sa inquest proceedings sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A.10592 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act in relation to Omnibus Election Code. (Richard Mesa)

Other News
  • Tenorio patuloy ang pagiging ‘Iron Man’ ng PBA

    SA HALFTIME ng upakan ng Barangay Ginebra sa Blackwater noong Linggo ay binigyan si point guard LA Tenorio ng Philippine Basketball Association ng plaque.     Ito ay dahil sa paglalaro ng 37-anyos na si Tenorio ng kanyang ika-700 sunod na laro.     “Nag-e-enjoy lang din ako with the competition, siyempre. I’m enjoying myself. […]

  • Excited pa rin si Coco na makatrabaho ang veteran actors: VILMA, isa sa kinukumbinsi na maging parte na rin ng ‘Batang Quiapo’

    ENJOY na enjoy at mas kalmado na ngayon sa “Batang Quiapo” kumpara sa “Ang Probinsiyano” ang Primetime King na si Coco Martin.  Ayon pa kay Coco sa kanyang exclusive interview ng ABS-CBN news ay sobrang saya raw niya ngayon sa “Batang Quiapo” kumpara sa una nilang ginawa ng serye. MAs relax na siya ngayon kasi […]

  • Binigyan ng send-off party bago pumuntang Uganda: HERLENE, magta-Tagalog sa mga interviews sa ‘Miss Planet International 2022’

    Sinabi pa ni Herlene na magta-Tagalog daw siya sa mga gagawing interviews sa kanya sa naturang pageant.     MULING nagpakilig ang JulieVer loveteam sa social media.     Pinakita kasi ni Rayver Cruz na very supportive boyfriend siya sa pagpayag nitong maging modelo sa bagong collection ng clothing line ni Julie Anne San Jose […]