Tulak timbog sa buy bust sa Caloocan, P510K shabu, nasabat
- Published on November 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga nang hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Michael Labriaga, 34 ng Brgy. 175, ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-12:20 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Robis 1, Brgy. 175.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P50,000 halaga ng shabu at nang tanggapin nito ang marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang large transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P510,000.00, buy bust money na isang P1,000 bill at P49 pirasong P1,000 boodle money at coins purse.
Pinuri naman ni National CapitalRegion Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Jonnel Estomo ang masigasig na kampanya ng Caloocan City Police kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa notoryus umanong drug pusher.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Mga gym, spa at internet cafe, sarado sa susunod na 2 linggo- Sec. Roque
INANUNSYO kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sarado sa susunod na 2 inggo ang mga gym, spa at internet cafe. Ani Sec.Roque, alinsunod sa guidelines o alituntunin na ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroon aniyang kapangyarihan ang mga LGUs na isara ang gyms, spas at internet cafes. “Isang […]
-
PBBM at Blinken, nagkita, nagpulong sa Malakanyang
SA KABILA nang makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ambon ay natuloy din ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, noong Sabado, Agosto 6, 2022. Naka-iskedyul kasi ang courtesy call si Blinken kay Pangulong Marcos. Makikita sa larawan ang paglagda ni Blinken sa […]
-
Pag-IBIG Fund, ipinagpaliban ang 2023 contribution hike
IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG Fund ang ikakasa na sanang monthly contribution hike para sa mga miyembro nito ngayong taon. Ito’y matapos na opisyal na aprubahan ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees ang pagpapaliban sa contribution hike na ikakasa na sana ng ahensiya para ngayong taon. Ang dahilan, patuloy pa ring bumabawi ang […]