• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak timbog sa P170-K shabu

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado habang dalawang menor de edad ang narescue sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Rowel Magbanua alyas Toto, 38, ng V Cruz St. Brgy. Tangos.

 

Ayon kay Col. Balasabas, ala- 1:55 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy bust operation kontra kay Magbanua sa Ignacio St. Brgy. BBN kung saan isang undercover police na nagpanggap na poseur buyer ang nagawang makabili sa suspek ng P500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba habang narescue naman ng mga pulis ang dalawang menor de edad na tinurn-over sa Bahay Pag-asa.

 

Nasamsam sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga ng shabu, P500 cash at buy bust money.

 

Samantala, nasakote naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela Police si Vincent Lindayug matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa Phase 1 Siudad Grande Lingunan, Valenzuela City alas-2-45 ng hapon.

 

Narekober sa suspek ang buy- bust money, dalawang plastic sa- chets ng hinihinalang shabu, cellphone bag at motorcycle Honda. (Richard Mesa)

Other News
  • Bulkang Kanlaon, patuloy na nagbubuga ng mas mataas na usok

    Patuloy na nagbubuga ng mas matataas na usok ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa ikatlong araw kahapon , Miyerkoles, June 24 batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).   Sa 8 a.m. bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na nasa 300 metro ang taas ng buga nito.   “One earthquake at 7:00 p.m. yesterday […]

  • Gilas Pilipinas tinalo ng Lebanon 95-80

    NABIGO ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Lebanon 95-80 sa pagsisimula ng 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia.   Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Lebanon hanggang nagtulungan ang Gilas squad sa pamamagitan nina SJ Belangel, Rhenz Abando at Carl Tamayo para mapababa sa siyam ang kalamangan ng Lebanon 74-83.   […]

  • Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna

    Dahil sa patuloy na  pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine.     Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine […]