• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing

DAHIL  sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA).

 

 

Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay Villar na siyang chairman ng Senate Committee on Agriculture kung ano ang sunod na hakbang ng DA sa naturang isyu.

 

 

Idinagdag pa niya na patuloy na lumiliit ang farmland dahil binibili ng malalaking developer at ginagawang residential at commercial land.

 

 

Pinabulaanan naman ito Villar at sinabing hindi bumibili ng lupa sa probinsya ang mga developers.

 

 

Nabatid na ang Senadora ay nagmamay-ari ng property developer na Vista Land at Lifescapes Inc.

 

 

Paliwanag pa ni Villar, ito ang kanilang negosyo subalit hindi sila bumibili ng agricultural lands sa mga lalawigan at walang bibili ng mga bahay sa agricultural lands.

 

 

Subalit sagot ni Tulfo, may patunay siya na ang mga sakahan ay ginagawang subdivision kaya ito ang dahilan kaya gusto niyang maipasa ang panukalang National Land Use Act.

 

 

Pinutol naman ni Villar ang tanong ni Tulfo kung ano ang magiging aksyon ng DA dito at sinabing saan titira ang mga tao kung hindi magtatayo ng mga subdivisions.

 

 

Sagot naman ni Tulfo maraming ibang lugar na maaaring pagtayuan ng subdivision at huwag lang na itake-over ang mga farms. (Daris Jose)

Other News
  • Hontiveros sa house-to-house search for COVID-19 cases ng PNP: Parang tokhang

    Inihalintulad ni Senator Risa Hontiveros ang inisyatibang house-to-house search para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases sa ‘oplan tokhang’ na isasagawa ng mga pulis, local government, at health officials.   Maaalalang ang oplan tokhang ay ikinasa laban sa iligal na droga.   “Parang tokhang pero pang-COVID. This may actually discourage more people from reporting […]

  • US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan

    HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine.     Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces […]

  • Rehab ng MRT 3 train-cars tapos na

    NATAPOS  ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang rehab ng mga train cars ng nasabing rail line kung kaya’t makakaa sana ang mga pasahero ng pagbabago sa train availability nito.       Dumating na ang final set ng 72 train-cars ng MRT na ginawa sa maintenance yard nito. Dahil dito buo at tapos […]