Tuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo – PACC
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
“KAILANGAN po nating ipagpatuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo sa susunod na henerasyon.”
Ito ang naging panawagan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa publiko.
Aniya, ang pangarap lamang aniya noong bata pa siya na maging pulis dahil gusto niyang ipagtanggol ang mga naaapi at supilin ang kasamaan. Iyon nga lamang aniya ay hindi siya naging pulis kaya’t ginawa pa rin aniya niya ang kanyang magagawa para itama ang mali at ipatupad ang batas.
At matapos aniya ang tatlong dekada ay pinagkatiwalaan siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ginawa siyang PACC Commissioner para tulungan siyang linisin, huliin, ipakulong ang mga magnanakaw, korap, durogista, kriminal at i-ayos ang bansa para sa susunod na henerasyon.
“Tulad po ninyo, simpleng estudyante lang ako. Basta makapasa lang. Mas maraming laro kesa aral. Minsan pasado, minsan bagsak. Di malinaw kung saan dadalhin ng buhay. Pero sa huli ang mahalaga, gawin natin ang tama, at sa bawat kasawian, mayroon tayong matutunan. Diyos na po ang bahala, basta GO lang tayo at gawin natin ang tama,” ani Belgica sa kanyang talumpati sa idinaos na Symposium sa Unibersidad de Manila.
Natututo aniya siya sa bawat pagkakamali kaya habang nandyan pa sila ni Pangulong Duterte ay gagawin na nila ang kabutihang pwedeng gawin para sa bayan.
“Simpleng estudyante, simpleng tao, makakatulong na po ng malaki dahil sa pwestong pansamantalang inuukopa namin ni Pangulong Duterte, Kuya Bong Go at ako. Kami po ay inyong mga lingkod at partners sa kabutihan,” aniya pa rin. Binigyang diin nito na kailangang labanan ang kasamaan para ang lahat ay umasenso, kailangan aniya na may sumunod sa yapak nila nina Pangulong Duterte at Senador Go.
“Kayo ang susunod na tagapagtanggol ng bayan pagkatapos namin. You have to believe na kung kaya namin, kaya nyo din. Dahil tulad ninyo, simpleng tao lang kami na umiibig sa bayan, hindi bumitiw at ginawa ang tama. Kaya nyo rin po ito,” aniya pa rin. Makatutulong aniya ang mga ito sa pagsusumbong ng mga anomalya sa kanila.
“Then you will see na dahil po sa inyo, naituwid ang mali sa inyong kapaligiran at sa ating bayan,” dagdag pahayag nito.
Pwede aniyang mabago ang mali kung lalabanan at gagawin ang tama.
Samantala, tiniyak naman ni Belgica sa mga estudyante na maaasahan ng mga ito ang 100% na suporta mula sa kanila nina Pangulong Duterte at Go. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Life-sized rebolto ni Kobe at Gigi Bryant inilagay sa crash site sa Los Angeles
ITINAYO ng isang artist ang life-size na rebolto ng namayapang NBA legend na si Kobe Bryant at anak nitong si Gigi. Dinala ni Dan Medina ang 160-pound bronze figure sa Calabasas, Los Angeles kung saan bumagsak ang sinasakyang helicopter ng LA Lakers star. Temporaryo lamang aniya nito inilagay sa lugar bilang […]
-
1 Thessalonians 5:15
Always seek to do good to one another and to all.
-
Mahigit kalahati sa mga adult nakaranas ng ‘di magandang pamumuhay – SWS survey
Nasa mahigit kalahati ng adults sa Pilipinas ang nakaranas ng hindi magandang pamumuhay ngayong 2021. Ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), mayroong 57% sa mga respondents ang nagsabing mas lalong lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan. Mayroon lamang 13% ang nagsabi na ang kanilang kalidad ng […]