• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TUMANGAY NG MOUNTAIN BIKE, ARESTADO

KINADENA na, tinangka pang nakawin ng isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ ang isang mountain bike habang nakaparada sa isang parking sa Malate, Maynila.

 

Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Eric Bedonio, 40, may live-in partner ng 1880 Mayon St., Bulkan, Punta Sta Ana Manila dahil sa reklamo ni Maria Ninel  Madlangbayan, 16, sa pamamagitan ng kanyang ina na si Pauline Michelle,  isang estudyante ng 2420 Zapanta St.,Singalong, Malate Manila.

 

Sa reklamo ni  Maria Ninel kay PEMSgt Flaviano Garcia Jr., ng Manila Police District (MPD)-Station 9, ipinarada nito ang kanyang bisekleta na isang mountain bike na nagkakahalaga ng P12,000 sa harapan ng isang tindahan upang bumili ng damit dakong aals-5:00 kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Taal at P. Ocampo Sts., Malate, Maynila..

 

Nabatid na ginamitan pa niya ng chain padlock ang kanyang bisekleta bago pumasok sa tindahan.

 

Pero paglabas nila ng kanyang pinsan m,ula sa pamimili ay nakita nito ang suspek na pinuputol nito ang  chain padlock saka sumakay at itinakaa papalayo.

 

Tiyempo naman na may paparating na nagpapatrulyang pulis kaya humingi ng tulong na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto at narekober sa kanya ang bisekleta at bolt cutter. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Halaga ng piso muli na namang sumadsad sa all-time record low versus sa dolyar

    MULI na namang naitala ang record breaking na paghina ng Philippine peso laban sa US dollar matapos na magsara ngayong araw sa P58.99.     Batay sa record ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ito na ang ika-limang sunud-sunod na trading day na sumadsad ng husto ang piso.     Noong huling trading ng […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.     […]

  • 500 Valenzuelanos nakatanggap ng tulong medical mula sa DSWD

    UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater.     Ang tulong medikal ay naging posible sa pamamagitan ng DSWD program Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Isang tulong para sa mga […]