• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tumatalakay sa mental health at suicide… Direk NJEL, maghahatid ng napapanahong pelikula na ‘Must Give Us Pause’

ISANG napapanahon na pelikula ang hatid ng award-winning writer-director na si Njel de Mesa, ang “Must Give Us Pause,” na tungkol sa mga taong nawalan ng minamahal sa buhay nung pandemya at hindi man maayos na makapagpaalam.

 

 

Ang “Must Give Us Pause” na idinirehe, isinulat, at prinodyus ni Direk Njel na ang mga katauhang ginampanan ng mga bida ay magsisilbing hudyat sa ating mga puso at isipan para lalong mahalin ang ating mga buhay.

 

 

Ang pelikulang ito ay may malalim na paksang tumatalakay sa mental health at suicide isang tema na kailanman ay hindi dapat nawawala sa ating pansin.

 

 

“Iyakan kami parati sa set. Intense ang mga eksena dahil mahuhusay ang mga artista namin,’ pahayag ni Direk Njel.

 

 

Tampok sa pelikula ang dating ka-love team ni Sam Concepcion na si Cheska Ortega, sa rating musical film na “Pop Class” na pinagtulungan ni Direk Njel at Direk Paul Soriano.

 

 

Kasama rin ang NDM talent na si Shaneley Santos na talaga nga namang todo todo at sunud-sunod ang projects sa NDMstudios.

 

 

“Napakaganda po at kakaiba ang pelikula namin kasi wala pang tumatalakay sa impact ng mga namatayan nung pandemya, na hindi man lang nila nasamahan sa ospital ang mga mahal nila sa buhay,” sabi ni Shaneley.

 

 

Ang “Must Give Us Pause” ay hindi lamang isang drama. Ito ay isang mahalagang salamin ng realidad na kinakaharap ng maraming tao sa ating lipunan. Ito ay puno ng mga eksena na magdudulot ng mga luha at damdamin na magpapakilala sa atin sa mga taong patuloy na lumalaban sa kanilang mga personal na laban.

 

 

Ang kagandahan at pagiging kontrobersyal ng “Must Give Us Pause” ay naka-angkla sa kanyang paksa, ang mental health at suicide, mga usaping madalas na itinatabi ngunit kailangang harapin.

 

 

Kinunan ang kabuuan ng “Must Give Us Pause” sa Singapore, sa pakikipagtulungan ng Singapore Tourism Board na nagbigay ng kahanga-hangang backdrop sa pelikula.

 

 

Ang pagkakataong ito ay nagbigay-daan upang maipakita ang kahanga-hangang kultura at magagandang tanawin ng Singapore habang tinatalakay ang mahahalagang isyu.

 

 

Hindi maipagkakaila na ang “Must Give Us Pause” ay isang makabagbag-damdamin na pelikula na naglalayong magbuhat sa atin sa ating mga upuan, pukawin ang ating mga isipan, at hikayatin ang bawat isa na maging bahagi ng pag-uusap patungkol sa mental health at suicide.

 

 

Kasama natin ang buong mundo, sa pagsasabay-sabay na pagharap sa reyalidad ng mental health at suicide. Sa pamamagitan ng “Must Give Us Pause”, tayo ay magiging saksi sa mga kuwentong hindi lamang magpapaluha, kundi magpapabago rin ng pagharap sa buhay.

 

 

Malapit na itong ipalabas sa mga sinehan na sa susunod na taon.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinag-isipan muna bago tinanggap ang role ni Valentina: JANELLA, nag-alaga ng ahas at kasamang rumampa sa mediacon ng ‘Darna’

    CHIKA ni Janella Salvador sa grand mediacon ng Darna na pinag-isipan muna niyang mabuti bago niya tinanggap ang role ni Valentina.     Siyempre tinanggap din naman eventually ang role as nemesis ni Darna, played by Jane de Leon.     After niya tanggapin ang offer to play Valentina, naisipan daw ni Janella na mag-alaga […]

  • Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics

    Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.     Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod. […]

  • Humanitarian aid mula sa EU, iba’t-ibang bansa, aabot na ng P182-M: UN

    Nakaipon na ang United Nations ng P182 million mula sa pagtutulungan ng European Union, Sweden, Australia, United States, Germany at Zealand para umagapay sa typhoon response ng Pilipinas.   Ang nasabing humanitarian assistance ay makakatulong sa halos 260,000 Pilipino na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.   Sinabi ni UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator […]