Turismo sa Tagaytay malakas pa rin sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal Volcano
- Published on March 29, 2022
- by @peoplesbalita
NANANATILI RAW malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalboroto ng Taal Volcano.
Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan.
Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago at pagkatapos ang pagsabog ng bulkan noong Sabado ng umaga.
Dagdag ni Batongbacal ang mga government agencies at local authorities naman daw ay naka-standby kasunod na rin ng pagsabog ng naturang bulkan noong Enero 10, 2020.
Ang disaster control at management at mga local government units (LGUs) ay nakaantabay naman daw kung anuman ang mangyari sa Batangas.
Kasunod nga ng pagsabog ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 3 status sa bulkan.
Kahapon nang maitala ang dalawang dalawang minor phreatomagmatic eruptions ang naitala sa Taal Volcano sa Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS) director at Science Undersecretary na si Renato Solidum, ang maliliit na pagsabog na ito ay nagbuga ng nasa 400 hanggang 800 meters na taas ng plume kaninang alas-4:34 hanggang alas-5:04 ng madaling araw.
Wala na rin naman aniyang naitala pang kasunod pero pinapakita lamang ng Taal Volcano na puwede pa rin ito magkaroon ng pagsabog kaya kailangang bantayan.
Sa mga naitalang minor eruptions ngayong araw, sinabi ni Solidum na posibleng mayroon kasamang abo ang mga ito. (Daris Jose)
-
PNP mas magiging mabusisi sa pagtatalaga ng police security escort sa mga humihiling na pulitiko
TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mas magiging mabusisi sila sa pagtatalaga ng police security escorts sa mga humihiling na pulitiko. Sa ngayon naghihintay na lamang ng clearance mula sa Commission on Election (COMELEC) ang lahat ng kandidato sa eleksyon. Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, napaghandaan […]
-
Kautusan ng DILG na hindi ipaalam ang brand ng COVID 19, binatikos ng CBCP
Hindi sang-ayon ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa kautusan sa Local Government Units na huwag i-anunsyo sa publiko ang brand ng vaccine na gagamitin sa pagbabakuna. Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, na siyang Vice-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, hindi ito patas para sa mamamayan […]
-
US nagpadala ng Patriot missiles sa Poland bilang proteksyon laban sa posibleng pag-atake ng Russia
MAGPAPADALA ang US ng dalawang Patriot missiles batteries sa Poland bilang pagkontra sa banta sa US at NATO allies dahil sa nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine. Ang nasabing Patriots air defense missile systems ay kayang magharang ng mga paparating na mga short-range ballistic missile, advanced aircraft at cruise missiles. […]