• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘TWBU’, nasa number 3 spot ng Netflix PH: ALDEN, masaya sa sunud-sunud na tagumpay ng mga projects sa GMA

MASAYA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa sunud-sunod na tagumpay ng mga projects na ginawa niya sa GMA Network.  

 

 

Matapos mag-open last June 17 sa Netflix PH ang romantic-drama teleserye na  The World Between Us, kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang good news ay nasa number 3 spot na sila sa Top 10 shows.

 

 

At ang latest news tungkol pa rin sa TWBU, ito ang first Filipino title on Freevee, Amazon’s free-streaming video service.

 

 

According to Alden sa latest interview niya, this was a huge achievement for the GMA-7 primetime drama, “Parang ngayon nagha-harvest ng fruit iyong ‘The World Between Us.’  Nakakatuwa kasi based on what I heard, iyong team ng Amazon Freevee ang lumapit sa GMA to get the title.

“Sobrang honored and proud lahat. The whole team is so proud to be recognized by an international platform again.  This milestone served as an inspiration for me to do better.  Ito rin kasi ang dream ko for the soap kasi sobrang pinaghirapan siya ng lahat, dahil ginawa namin ito during the height of the pandemic, kaya being part of Freevee’s line up was a reward.”

 

 

No wonder, mas inspired ngayon si Alden na tapusin ang taping ng Korean drama na Start-Up Philippines dahil naghahanda na rin siya sa kanyang ForwARd concert sa five US cities by the middle of August to September.

 

 

Ang first ever self-produced concert ni Alden ay ang first time ulit niyang mag-live concert, after almost three years of the pandemic.  Ang proceeds ng concert ay gagamitin nila para sa itinayo niyang AR Foundation, Inc.

 

 

***

 

 

EXCITED na ang mga netizens na gabi-gabing sumusubaybay sa First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. 

 

 

Finale week na nila simula ngayong gabi, at sa loob ng limang gabi, para bang napakarami pang dapat asahan ang mga televiewers.  Like, mapapahamak ba ang magbalaeng Blesilda (Pilar Pilapil) at Edna (Sandy Andolong), sa kamay ni Sen. Allegra (Isabel Rivas), o mahuli na siya at maparusahan, dahil sa assassination plot niya para mamatay ang buong pamilya ni PGA (Gabby)?

 

 

Mabuo na kaya ang baby nina PGA at Melody (Sanya)?  At bukod sa special guest appearance ni Jestoni Alarcon sa serye, sino pa ang dalawang special guests na papasok sa story?  Ikakagalit kaya ni Melody kung papalitan siya ni PGA bilang presidential candidate?

 

 

Don’t fail to watch the finale week of First Lady after 24 Oras, na alam ba ninyong maraming netizens ang nagri-request kung pwedeng magkaroon pa ito ng season three?

 

 

***

 

 

LAST June 20, after Father’s Day,  Kapuso couple, Dennis Trillo and Jennylyn Mercado formally introduced their daughter to the world sa pamamagitan ng YouTube channel ng actress, ang “After All.”

 

 

Nagpakita muna sila ng snippets from Jen’s admission to the hospital hanggang sa lumabas na sila.  Hindi pa iyon ang due date ni Jen, check-up lamang iyon, but her prenatal cervix was already open, kaya nag-decide na ang obstetrician-gynecologist ni Jen na magsilang na siya by ceasarian section.  That was April 25.

 

 

In the vlog, Jennylyn and Dennis finally revealed the face of Baby D which stands for Dylan.  More on Baby Dylan sa susunod na vlog ni Jennylyn.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Proyektong PAREX di na itutuloy ng SMC

    INIHAYAG ni San Miguel Corporation (SMC) CEO Ramon S. Ang na hindi na itutuloy ng kanilang kumpanya ang pagtatayo ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX).       Taong 2021 ng ihayag ng SMC ang kanilang kasunduan na isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagtatayo ng nasabing expressway bilang isang bahagi ng programa ng pamahalaan […]

  • Ipinagtanggol din niya ang inaakusahang direktor: ALBIE, nagpapasalamat na ‘di pa naranasan na ma-sexually harass

        SA panahon ngayon, tuwing may mediacon at may young actor na kasali, tiyak na matatanong tungkol sa kontrobersyal na isyu ngayon, ang sexual harassment, partikular sa mga lalaking artista.     Bunga ito ng eskandalong kinasasangkutan ngayon nina Sandro Muhlach at Gerald Santos na usap-usapan sa buong Pilipinas.     Kaya sa presscon […]

  • DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1

    SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.     “Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo […]