• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Type na maka-collab sina Zack at Ben & Ben: JERI, dream makatrabaho sina KATHRYN, DANIEL, JAMES at LIZA

MATAPOS ang mahigit isang taon, sa wakas ay ilalabas na ng Star Music ng ABS-CBN ang kauna-unahang handog ni Jeri Violago bilang isang recording artist.

 

Ayon sa premyadong songwriter na si Vehnee Saturno, hindi lang isa ang ginagawa nila, kundi dalawang bagong kanta para kay Jeri.

 

Inilalarawan ni Vehnee ang ‘Gusto Kita’ bilang isang straight forward love song. Ang pangalawang kanta naman na ‘Hindi Ka Nag-iisa,’ ay pagpapatuloy sa love story na isinalaysay sa ‘Gusto Kita’ sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga salita ng kasiguruhan sa minamahal.

 

Sa paglabas ng kambal na awitin, unti-unti nang nalalapit si Jeri sa kanyang pangarap, na maging isang versatile entertainer.

 

Kuwento ng baguhang mang-aawit, “For ‘Hindi Ka Mag-iisa’, at first it was a ballad, parang pang-harana. But I was able to change at make it a little upbeat. And I was able to make it, have more recall and hopefully ‘pag narinig nila ang song, mas ma-remember ng mga tao.

 

“For ‘Gusto Kita’ naman, is the opposite. Mas R&B ang tunog, may slow and vibey at may konting bounce. Ganun type of music ang gusto ko, na when I’m listening to the song, natural na nagmo-move ang body ko.”

 

Anyway, pumirma ng 3-tier contract ang 23-year old (kaarawan niya kahapon, Setyembre 8) na Ateneo de Manila Business Management cum laude graduate sa Star Music, ang music production arm ng ABS-CBN.

 

Noong 2022, pumirma si Jeri ng magkahiwalay na kontrata sa Star Music sa iba’t ibang kapasidad: bilang isang artist, isang kompositor, at record producer.

 

Pagkatapos na makapagtapos sa kanyang kurso noong nakaraang taon, humingi ng pahintulot si Jeri sa kanyang ama at ina, na sina Joselito at Chiqui Violago, na payagan siyang ituloy ang kanyang hilig sa musika at pagkanta.

 

Dahil sa kanyang pangarap, tinanggihan niya ang alok ng ama na hawakan ang isang mahalagang posisyon sa isang rice mill, ang negosyo ng pag-aari nila sa San Jose, Nueva Ecija.

 

Naniniwala naman si Jonathan Manalo ng Star Music na ang singing-performing career ni Jeri ay nakaangkla sa kanyang strong vocals and wide range of talent.

 

Ang kanyang versatility bilang isang mang-aawit ay suportado ng mga parangal na nakuha sa mga taon niya sa Ateneo, kung saan ang kanyang high school group ay hinirang bilang kampeon sa Musikapella competition noong 2014.

 

Si Jeri ay itinanghal ding kampeon sa Ateneo Grade School Singing Competition noong 2011. Naging bise-presidente rin siya ng Ateneo Senior High School Glee Club.

 

Sa panahon ng mga live performances niya, maaaring mag-shift si Jeri na may parehong kadalian mula sa pop, jazz at swing patungo sa R&B at soul.

 

Gustung-gusto niya ang OPM song at looking forward siyang makipag-collab sa mga hit maker ngayon tulad ni Zack Tabudlo at grupong Ben & Ben.

 

Kasama sa kanyang mga entertainment credit ang mga pagtatanghal sa Music Museum at GSIS Museum. Nakapag-perform siya dito ng mga kanta mula sa ‘King and I’, ‘Annie’, ‘South Pacific’, pati na rin sa mga OPM hits at jazzy standards, na mala-Michael Buble.

 

Bilang isang teenager, nagsanay si Jeri sa pagkanta at pagko-compose sa The Music School ni Ryan Cayabyab.
Samantala, open din siya na sumabak sa pag-aartista. At kung mabibigyan ng pagkakataon ay willing siyang mag-workshop para matutong umarte.

 

 

Lalo pa nga’t dream niyang makatrabaho sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, James Reid at Liza Soberano, na napapanood na niya habang lumalaki. Kaya ilan lang sila sa kanyang mga hinahangaan.

 

 

Para sa magkaka-interes kay Jeri, maaaring tawagan sa pamamagitan ng kanyang manager na si Emy Domingo (+63917-858-6817). I-like o i-follow sa mga sumusunod: Jericho Violago sa Facebook, @jerichoviolago sa Tiktok; Jericho Violago sa You Tube, jerichoviolago sa Instagram.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Malakanyang, nais ang karagdagang labs para sa mabilis na pagpapalabas ng RT-PCR test results

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTR) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories para mas maging mabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results.     “We already gave a nudge to BOQ and DOTR to increase the number of accredited RT-PCR labs for additional options to […]

  • VP Sara, pinasalamatan si PBBM dahil sa tiwala; ‘independent’ ang pananaw mula sa kanyang ama at kapatid

    PINASALAMATAN ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa patuloy na pagtitiwala nito sa kanya.     Tiniyak ni VP Sara na ‘independent’ ang kanyang mga pananaw sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte.     Sa isang kalatas, […]

  • Mukhang sigurado na sa pagbabalik sa Maynila: ISKO, tatakbong muli at kakalabanin si Mayor HONEY

    SIGURADO na raw ang pagbabalik ni Isko “Yorme” Moreno sa pulitika at sa siyudad ng Maynila.     Tatakbong muli ang dating alkalde ng Maynila na tumalo sa nakaupong mayor noon na si Erap Estrada.       Supposed to be sa senado ang puntirya ni Yorme pero biglang nag-decide siya na babalikan ang pamumuno […]