Typhoon Odette ‘mabilis pagtindi’ bago mag-landfall sa Dinagat, Siargao-Bucas Grande Islands
- Published on December 17, 2021
- by @peoplesbalita
Sumasailalim ngayon sa mabilis na paglakas ang Typhoon Odette habang kumikilos ito sa kalugaran ng Dinagat Islands at Bucas Grande Islands.
Natagpuan ang mata ng bagyo 265 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte bandang 7 a.m. ng Huwebes.
- Lakas ng hangin: aabot ng hanggang 165 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: aabot hanggang 205 kilometro kada oras
- Direksyon: kanluran hilagangkanluran
- Bilis ng pagkilos: 25 kilometro kada oras
Posibleng tumama sa kauna-unahang pagkakataon ang bagyo sa lupa sa anumang bahagi ng sumusunod na mga lugar ngayong tanghali o hapon:
- Dinagat Islands
- Siargao-Bucas Grande Islands
- hilagang bahagi ng Surigao del Sur
“Typhoon ‘ODETTE’ is forecast to continue intensifying until it makes landfall this afternoon. Considering the recent trend in its intensification, the typhoon may reach a pre-landfall peak intensity of 175 to 195 km/h prior to landfall,” ayon pa sa pahayag ng state weather bureau.
“Afterwards, the center of ‘ODETTE’ will move westward and cross several provinces in Central and Western Visayas regions before emerging over the Sulu Sea tomorrow morning.”
Bagama’t nakikitang hihina nang bahagya si “Odette” sa pagtawid nito sa hilagangsilangang MIndanao, Visayas at Palawan, tinatayang mananatili ito sa typhoon category.
Malaki naman ang tiyansa na lumakas itong uli oras na lumitaw ito sa West Philippine Sea.
“However, weakening may ensue beginning Sunday as the typhoon becomes exposed to increasing vertical wind shear and the surge of the Northeast Monsoon,” dagdag pa ng PAGASA.
-
4K COVID-19 cases kada araw sa NCR ibinabala ng DOH
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maaaring umakyat sa 4,000 kada araw ang average na kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan. “Cases in NCR may reach upward of 4,000 per day which may overwhelm our health system capacity to upwards of 80 percent utilization by end of January if we do […]
-
4 pres’l bets, walang balak umatras sa May 9 elections
NAGKAKAISANG inanunsyo nina Senator “Ping” Lacson, Senator Manny Pacquiao, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at Manila Mayor “Isko” Moreno na hindi nila iuurong ang kandidatura sa pagka-pangulo. Pahayag ito ng apat na presidential candidates sa ginanap na joint press conference sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City, kasabay ng Easter Sunday. […]
-
Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA
NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo. “Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea. Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC. Actually, may nagkuwento sa amin na pareho […]