• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tyson Fury napanatili ang WBC heavyweight crown sa panalo vs Dillian Whyte sa harap ng 94,000 record fans

NAPANATILI  ni Tyson Fury ang pagiging World Boxing Council (WBC) heavyweight champion matapos pabagsakin sa sixth round si Dillian Whyte sa harap ng 94,000 fans na nanood sa Wembley Stadium sa London.

 

 

Ang naturang crowd ay record breaking bilang highest attendance sa isang boxing match sa Europe at pinakamarami sa buong mundo.

 

 

Muli na namang nagpakita ng kanyang masterclass performance si Fury sa itaas ng ring na siya pa rin ang best fighter sa heavyweight division ngayong panahon.

 

 

Mula sa first round ay makikitang “outmatched at outclassed” ni Fury ang kanya ring kababayan na mula sa UK na mandatory challenger.

 

 

Pagsapit ng sixth round, halatang medyo desperado na sa kanyang diskarte si Whyte na pagod na rin at nakakailag sa kanyang pinakakawalang pamatay na suntok ang kampeon.

 

 

Ilang sandali pa, nagpakawala ng kanan na uppercut si Fury na siyang nagpabagsak kay Whyte na una ang kanyang likuran sa lona sa oras na 2:59.

 

 

Nagawa pang makatayo ni Whyte pero naghudyat na ang referee na itigil na ang laban.

 

 

Batay sa statistics tumama ang 76 mula sa 243 na total punches na pinakawalan ni Fury, habang 29 lamang out of 171 ang kay Whyte.

 

 

Sa ngayon ang record ni Fury ay lalo pang umangat sa 32-0-2, (23KOs) samantalang 28-3 (19KOs) naman si Whyte.

Other News
  • Maharlika Investment Fund bill nais pasertipikahang ‘urgent’ kay PBBM

    NAIS  ni House ­Speaker Martin Romualdez na sertipikahang urgent ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Ayon kay Romualdez, kung siya ang tatanungin ay mas mainam na masertipikahang urgent ang MIF upang agad rin itong mapagtibay sa Kongreso.     Inihayag ni Romualdez na patuloy na dumarami […]

  • Mga makakalaban unti-unti nang nag-aatrasan: VILMA, maugong pa rin na tatakbong muli bilang gobernador ng Batangas

    NAKIPAG-MEETING na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa producer ng Mentorque na si Mr. Bryan Dy kasama sina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas.       Sa nakarating sa amin isa itong magandang project na first time na gagampanan ni Ate Vi ang isang kakaibang papel.       Gustong-gusto ni […]

  • MUSEO PAMBATA, MULING BUBUKSAN

    MATUTUNGHAYAN muli ang kauna-unahang children’s museum sa muling pagbubukas nito sa Biyernes ,Disyembre 6, ilang araw matapos ang pagdiriwang ng 30th anniversary nito.       Ang muling pagbubukas ng museum ay makaraang ipasara dalawang taon na ang nakalilipas o noong panahon ng pandemya at sumailalim din sa renovation.       Ibinahagi ni Museo […]