UAAP crown sinakmal ng NU
- Published on June 23, 2022
- by @peoplesbalita
NAKUMPLETO ng National University ang matamis na 16-0 sweep upang matagumpay na masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.
Nagawa ito ng Lady Bulldogs matapos patumbahin ang De La Salle University, 25-15, 25-15, 25-22, sa Game 2 ng best-of-three championship series kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Muling nagsanib-puwersa ang top hitters ng Lady Bulldogs sa pangunguna nina Mhicaela Belen, Princess Robles, Alyssa Solomon, Ivy Lacsina at Sheena Toring para tuldukan ang ilang dekadang pagkauhaw ng kanilang tropa sa korona.
Ito ang unang titulo ng Lady Bulldogs sapul noong 1957. Sa kabuuan, may tatlong titulo na ang NU sa liga.
Maliban sa 1957 season at sa 2022 season, nagreyna rin ang Lady Bulldogs noong 1954.
Ang NU rin ang ikatlong koponan sa UAAP Final Four era na naka-sweep sa buong season.
Una itong nagawa ng La Salle noong Season 67 na sinundan ng Ateneo de Manila University noong Season 77.
Inilagay naman ni Belen ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng UAAP nang hablutin nito ang Rookie of the Year at Most Valuable Player awards.
Si Belen ang kauna-unahan nakagawa nito sa women’s division ng liga.
Maliban sa ROY at MVP, napasakamay din nito ang First Best Outside Hitter trophy.
Nasa No. 1 ito sa service area (0.47 per set), No. 3 si Belen sa scoring matapos makalikom ng kabuuang 203 points sa eliminasyon, No. 2 sa spiking (38.96 percent success rate), No. 8 sa digs (2.38 per set), No. 6 sa reception (40.85 efficiency rate).
Umani rin ng individual awards ang kapwa NU players nitong sina Camilla Lamina (Best Setter), Alyssa Solomon (Best Opposite Spiker), Jennifer Nierva (Best Libero) at Sheena Toring (Second Best Middle Blocker).
Ang iba pang awardees ay sina Faith Nisperos ng Ateneo de Manila University (Second Best Outside Hitter) at Thea Gagate (First Middle Blocker).
Itinanghal na Finals MVP si Robles.
-
51% Pinoy tiwala sa vaccine program ng government – SWS
Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19. Lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na 51% ang nagsabi na nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangan ng 18 percent ang tinawag na “very confident” habang 34 naman ang medyo kampante. Samantala […]
-
McCOY, pinahanga ang mga nakapanood sa husay bilang teen YORME
NATULOY ang premiere night ng Yorme: The Isko Domagoso Story last Tuesday pero sa January na ito magbubukas sa mga sinehan. Si Mayor Isko mismo ang kumausap sa producers na next year ipalabas. Gusto niya mas maraming youth and young adults ang makapanood at ma-inspire sa kwento ng kanyang buhay na sa kasalukuyan […]
-
Best Philippine swimming team handa na sa national tryout
Bukod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng bakuna ang mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at Southeast Asian Games ay inaprubahan din nito ang pagdaraos ng swimming national selection meet. Ang nasabing 2021 Swimming National Selection na gagawin ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa […]