UAAP Season 85 kasado na!
- Published on September 30, 2022
- by @peoplesbalita
KASADO na ang lahat para sa engrandeng pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matapos ang dalawang taong pagkagipit dahil sa pandemya, masisilayan na ng lubos ang pagbabalik ng lahat ng sports sa season na ito.
“Now, we are back and full of life. For the past two years, it’s not just the UAAP that was affected. The entire world was affected,” ani UAAP Season 85 President Fr. Aldrin Suan, CM ng Adamson University.
Nangunguna sa listahan ang men’s basketball na hahataw sa Sabado habang aariba rin ang kabuuang 60 events mula sa 21 iba’t ibang sporting events.
“Emotionally, economically, socially, in one way or another, we were down. We are hoping to use the UAAP as one of the platforms in helping bring the new normal to the Filipino people. As we RISE AS ONE, we are back to being full of life,” ani Suan.
Unang maglalaro ang season host Adamson University at University of Santo Tomas sa alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng defending champion University of the Philippines at De La Salle University sa alas-4 ng hapon.
“We are excited that collegiate sports is fully back with women’s basketball opening our festivities this weekend. We are grateful to Cignal as it will air the women’s basketball games during weekends on the Varsity Channel,” sambit ni UAAP Executive Director Atty. Rene “Rebo” Saguisag Jr.
Sa Oktubre 2, masisilayan naman ang bakbakan ng National University at University of the East sa alas-2 at ng Far Eastern University at Ateneo de Manila University sa alas-4.
Lalaruin ang men’s basketball tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo.
Katuwang ng UAAP sa season na ito ang Cignal at Smart Communications na siyang magiging daan sa pagsasahimpapawid ng mga laro at updates sa liga.
-
DepEd, target na taasan ang enrollment ng mga mag-aaral na may kapansanan
TARGET ng Department of Education (DepEd) na taasan ang bilang ng enrollment sa hanay ng mga mag-aaral na may kapansanan. Ito ang inihayag ng DepEd sa isang online webinar kasama ang National Council of Disability Affairs, araw ng Lunes. Ito’y alinsunod na rin sa pagdiriwang ng 18th Women with Disability Day, […]
-
300K leak pipes, naayos ng Maynilad
Umaabot na sa halos 300,000 ng leak pipes ang naayos ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula nang pangasiwaan ng kompanya ang pagsusuplay ng tubig sa west zone area mula 2007. Ito ay matapos makumpleto ng Maynilad ang may 22,500 pipe leaks noong 2020 at dahil dito nabawasan ang pagtagas ng […]
-
KELLEY DAY, ready nang mag-compete sa ‘Miss Eco International 2021’ sa Egypt
READY nang mag-compete si Kelley Day sa Miss Eco International 2021 sa Egypt ngayong April. Ayon kay Kelley, matagal daw siyang nag-prepare for the pageant noong hindi ito natuloy last year dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon ay naayos na ang lahat ng fittings niya para sa mga isusuot niyang gowns sa pageant. […]